Lathalain Multimedia Photo Essays

Mga larawan: Aksiyong hiling laban sa ‘masaker ng trabaho’

Dumagsa sa kalsada patungong Mendiola noong Setyembre 15 ang mga manggagawa ng iba't ibang kompanya na nahaharap sa malawakang tanggalan. Pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno ang kilos-protesta at sinuportahan ng iba't ibang organisasyon.

Kabilang sa dumalo ang mga manggagawa ng North Harbor, na mahigit 3,000 ay nakaambang sibakin sa trabaho dahil sa pribatisasyon ng daungan.

Kabilang sa dumalo ang mga manggagawa ng North Harbor, na mahigit 7,000 ay nakaambang sibakin sa trabaho dahil sa pribatisasyon ng daungan.

Kabilang din sa mga nahaharap sa tanggalan ang mga manggagawa ng ipagsasanib na Wyeth at Pfizer (3,000), Philippine Airlines (8,000), at libu-libo pang mga manggawa ng pabrika ng Advan at Triumph International at KFC food chain, ayon sa KMU.

Kabilang din sa mga nahaharap sa tanggalan ang mga manggagawa ng ipagsasanib na Wyeth at Pfizer (3,000), Philippine Airlines (8,000), at libu-libo pang mga manggawa ng pabrika ng Advan at Triumph International at KFC food chain, ayon sa KMU. Kasabay nito, umano'y sinasalalula ng mga kompanya ang nakamit ng mga manggagawa sa Collective Bargaining Agreement at dinudurog ang kanilang mga unyon.

Nauna nang nagbabala ang Department of Labor and Employment na 200,000 manggagawa ang mawawalan ng trabaho sa kalagitnaan ng taon dahil sa pandaigdigang krisis pang-ekonomiya. "Pero sa halip na pigilan ito, itinulak at inilehitimisa ng gobyerno ang pleksibleng paggawa na lalong nagpalala sa sitwasyon," sabi ni Lito Ustarez, executive vice president ng KMU.

Sumama rin sa kilos-protesta ang mga maralita mula sa Tondo, na pinalalayas dahil sa pribatisasyon ng North Harbor. Idinagdag ng KMU na mga trabahong di-regular at maliit ang kita lamang ang ipinapangako ng gobyernong Arroyo.

"Higit pa sa seguridad sa trabaho," ayon kay Ustarez, "dapat magbigay ang gobyerno ng disenteng trabaho na tutugon sa mga pangangailangan ng lipunan." Ito'y dahil nauubos lamang diumano ang pondo para sa serbisyong panlipunan dahil sa ginagastos ng gobyerno para sa malalaking proyektong imprastruktura na walang direktang pakinabang sa mahihirap at hindi nakareresolba sa kawalang trabaho.

  • Share/Bookmark

Related posts:

  1. Larawan: Protesta’t pagsindi ng kandila laban sa masaker sa Maguindanao
  2. Datos ng gobyerno sa kawalang trabaho, ‘di kapani-paniwala’
  3. P125 dagdag-sahod, hiling ng obrero kay Noynoy
  4. Mga larawan: Kaanak ng biktima ng masaker sa Ampatuan, bumalik sa pinangyarihan ng krimen
  5. Tinanggal nang labag sa batas ngunit hindi pa rin pinapabalik sa trabaho

Discussion

No comments for “Mga larawan: Aksiyong hiling laban sa ‘masaker ng trabaho’”

Post a comment

Opinyon

PinoyMedia Center pays tribute to Alexander Martin Remollino

PinoyMedia Center, publisher of the progressive newsmagazine Pinoy Weekly, pays the highest tribute to Alexander Martin Remollino who devoted most of his life in the grassroots-based, non-profit media, steadfast in his principles and excellent in his craft.

Read on