Pinoy Weekly

Reklamo sa kuwestiyunableng bayarin sa eskuwelahan, dagsa

Dumagsa ang mga reklamo mula sa mga estudyante at magulang ng mga estudyante laban sa umano’y “kuwestiyunable” at “matataas” na singil sa mga eskuwelahan, bunsod ng pagbukas ng mga grupong pangkabataan ng hotline kaugnay ngĀ  polisiyang “No Permit, No Exam” ng Commission on Higher Education (Ched).

Kamakailan, inilabas ng Ched ang Memorandum Order No. 02-2010, na iniuutos sa Higher Education Institutions (HEIs) na maging pleksible sa pagpapatupad ng “No Permit, No Exam.” Inilabas noong Enero 22, tugon ito ng Ched sa imbestigasyon ng House Committee on Technical and Higher Education sa nasabing polisiya, na itinulak ni Kabataan Rep. Raymong Palatino.

Gayunpaman, ayon sa National Union of Students of the Philippines (NUSP) at Kabataan Party-list, patuloy nilang sinusubaybayan kung ipinatutupad nga ba ng HEIs ang utos ng Ched na payagang makakuha ng eksamen ang mga estudyanteng may delinquent accounts o mga bayaring hindi pa nababayaran.

“Tila nabuksan ng aming kampanya laban sa “No Permit, No Exam,” ang Pandora’s box ng mga reklamo laban sa maraming di-makatarungang mga bayarin na ipinapataw sa mga estudyante,” sabi ni Palatino.

Halimbawa umano ang reklamo ng isang magulang sa 50 porsiyentong interes na ipinapataw ng isang unibersidad para sa late payment o huling pagbayad ng matrikula.

Gayundin, pinupuwersa umano ang mga estudyante na sumama sa mamahaling mga field trip na walang kaugnayan sa akademikong rekisito ng kanilang mga kurso. Halimbawa nito ang mga estudyante sa University of Sto. Tomas na pinagagastos ng P15,000 para sa isang field trip sa Macau, sabi ni Palatino.

Aniya, “Dapat kagyat na ipag-utos ng Ched at DepEd ang imbestigasyon sa ganitong mga bayarin at ipatigil.”

Hinikayat ng NUSP at Kabataan Party-list sa mga estudyante at magulang ng mga estudyante na patuloy na idulog ang kanilang mga reklamo sa mga numerong 352-1054 at 0927-7515365.

email

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=6066

avatar Posted by on Feb 1 2010. Filed under Balita. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Pinoy Print Issues

Eskinita: Ang Alternatibong Ruta

Log in | Designed by Gabfire themes
More in Balita (948 of 1147 articles)