Nagsagawa ng lightning rally ang mga miyembro ng underground na National Democratic Front, o NDF, sa Divisoria, Manila para muling himukin ang mga mamamayan na lumahok sa digmang bayan para sa tunay umanong pagbabago. Ang NDF, na kalipunan ng iba't ibang rebolusyonaryong grupo sa bansa na naglulunsad ng armadong digmaan sa bansa, ay nagdiriwang ng ika-37 anibersaryo ngayong Abril. (Boy Bagwis)
Ilang araw bago ang anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP), nakapanayam ng Pinoy Weekly si Armando Cienfuego, tagapagsalita ng Melito Glor Command (Southern Tagalog Regional Operational Command) ng New People’s Army (NPA).
Taliwas sa sinasabi ng mga heneral, may presensiya pa rin ang rebolusyonaryong kilusan sa mga barangay na pinaglalanan ng pondo ng NTF-Elcac. Brutal man at pinondohan nang malaki, lumalabas na di epektibo ang programang kontra-insurhensiya.