Pinoy Weekly

Noynoy binati, hinamon ng grupong OFW

Binati ng alyansa ng mga Overseas Filipino Worker sa Gitnang Silangan si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. na nangunguna sa paunang mga resulta ng eleksiyon sa pagkapangulo, sa kabila ng pagsuporta nito sa kalaban ni Aquino na si Sen. Manuel Villar.

“We would like to convey our best wishes to soon-to-be President-elect, Noynoy Aquino, who is leading a considerable lead against his contenders,” sabi ni John Leonard Monterona, regional coordinator ng Migrante-Middle East.

Sinabi ni Monterona na bagaman sinuportahan ng grupo ang ibang kandidato batay sa platapormang maka-OFW, kinikilala bila ang malaking lamang ni Aquino ayon sa pinakahuling partial, unofficial results ng Commission on Elections at parallel count ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting at iba pang grupo.

Ayon kay Monterona, dapat umanong ilatag ni Aquino sa unang 100 araw nito ang adyenda sa paglikha ng lokal na mga trabaho para hindi na kailangan mangibang-bansa ng milyun-milyong Pilipino

Hinamon ng grupo si Aquino na irepaso sa programang labor export ng gobyerno, na pinatindi sa ilalim ng administrasyong Arroyo, at na ibasura ang mga programa at polisiyang kontra-OFW

Dagdag pa ni Monterona, umaasa ang mga istranded at minaltratong mga OFW na namamalagi sa iba’t ibang Filipino Workers Resource Centers na bibigyang-atensiyon ni Aquino ang kanilang kalunos-lunos na kondisyon.

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7397

Posted by on May 11 2010. Filed under OFW. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

2 Comments for “Noynoy binati, hinamon ng grupong OFW”

  1. [...] This post was mentioned on Twitter by pinoy weekly. pinoy weekly said: Bago sa PW Online: Noynoy binati, hinamon ng grupong OFW http://bit.ly/bJhEzj [...]

  2. evendemata

    Hoy… mas ang lakas ng tama mo..pic mo ba yan? heheheh! :D

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes