Mahigit 100 estudyante, magulang, at guro ang nagmartsa sa Davao City noong Oktubre 5 laban sa K+12 o pagdadagdag ng Department of Education (DepEd) ng dalawang taon sa basic education curriculum. Pinangunahan ng League of Filipino Students at No to K+12 Alliance ang martsa, na nagtapos sa DepEd Regional Office. Anila, ang dagdag-badyet sa edukasyon ang solusyon sa problema ng sektor, at hindi ang karagdagang taon ng pag-aaral. (Karlos Manlupig)
Sa ilalim ng inaprubahang panukala, mula sa kasalukuyang four-quarter system, magiging tatlo na lang ang hati ng isang pang-akademikong taon. Mababawasan ng isang siklo ng pagrado, pero hahaba ang kada term.
Sa ulat ng Commission on Audit, 192 lang sa target na 6,379 na bagong classroom ang natapos ipatayo noong nakaraang taon. Sa pagsasaayos ng mga classroom, 208 lang ang natapos sa target na 7,550 na repair.
Sa pagbubukas ng klase, maraming paaralan ang hindi nakasabay dahil sa pinsala mula sa bagyo at baha. Kasabay ng mga pagbabago sa kalendaryo at bagong Matatag Curriculum, mas lumalala ang mga problema sa sektor ng edukasyon na lalong pahirap sa mga guro, estudyante at magulang.
Ayon sa Alliance of Concerned Teachers, kailangan ang P50,000 entry-level pay para sa mga guro at P33,000 para mga kawaning nasa Salary Grade 1 upang makaagapay sa tumataas na presyo.