Report Card sa 100 Araw
Imposibleng kumbinsihin ang matagal ng nagsara ng kanyang isipan. Huwag daw batikusin si Noynoy dahil kakaupo niya lang sa pwesto. Ngayong matatapos na ang isang-daang araw, ang sinasabi naman ay hindi daw sapat ang panahon na ito.
Imposibleng kumbinsihin ang matagal ng nagsara ng kanyang isipan. Huwag daw batikusin si Noynoy dahil kakaupo niya lang sa puwesto. Ngayong matatapos na ang isang-daang araw, ang sinasabi naman ay hindi daw sapat ang panahon na ito.
Totoo na hindi makakamit agad ang mga ibang pagbabago tulad ng pagwakas sa kahirapan (tandaan natin na ang Tsina sa ilalim ni Mao Zedong ay inabot ng mahigit isang dekada noon). Pero may mga ilang pagbabago, lalo na ung mga unang hakbang para makamit ang mga matagalang layunin, na maaaring magawa sa loob ng isang daang araw.
Isang halimbawa ay kung paano ilalaan ang pambansang badyet sa susunod na taon. Bilang boss ni Butch Abad ng DBM, si Noynoy ang maaaring magtakda ng komposisyon ng 2011 badyet. At bilang namumuno sa mayorya ng mga mambabatas sa Kamara, madali niyang maipapasa ang kanyang panukalang badyet. Theoretically, maaaring basagin ni Noynoy ang naging kalakaran ng mga nakaraang administrasyon hinggil sa paglaan ng kaban ng bayan.
Subalit pareho lang, at mas pinasahol pa, ang mga prinsipyong gumagabay sa 2011 badyet. May mga malalaking kaltas sa student financial assistance (ng CHED), sa mga pampublikong pamantasan at kolehiyo, sa mga pampublikong ospital, at sa subsidy sa bigas (ng NFA). Dambuhala naman ang idinagdag sa pambayad ng utang panlabas, sa militar, at sa pork barrel.
Ayon nga sa tagapagsalita ng Anakbayan na si Charisse Bañez, “Aanhin pa ang pera na matitipid sa pag-supo sa kurapsyon kung hindi naman ito ilalaan para sa mamamayan?”.
Isa pang halimbawa ay ang pag-reporma sa sistema ng edukasyon. Ito ay komersyalisado (hindi abot-kaya para sa marami), kolonyal (hindi nagsisilbi sa interes ng bayan), at pasista (gumagamit ng dahas at pananakot para mapantili ang kaayusan). Mabilis na may iminungkahi si Noynoy, ngunit imbes na alisin ang mga nasabing tatlong katangian nito ay palalalain ng mungkahi ang mga ito: ang K-12 curriculum, o ang pagdagdag ng dalawang taon sa pag-aaral.
Ang hiling ng isang Obispo ng simbahang Katoliko, bigyan daw si Noynoy ng tatlong taon. Pero hindi mo kailangang hintayin ang tatlong taon kung sa unang taon at mga hakbang pa lang ay sumablay na.
Binigyan ng administrasyon Aquino ang sarili ng “pasadong marka” sa unang 100 araw sa pwesto. E kung ang kabataang Pilipino ang magbibigay ng marka?