Pagpapalaya sa Morong 43, pag-usad ng peace talks hiniling ng mga New Zealander


Nakiisa ang mga tagapagtaguyod ng kapayapaan at karapatang pantao sa Whangarei, New Zealand sa panawagang pagpapalaya sa 43 manggagawang pangkalusugan sa Pilipinas na tinaguriang “Morong 43.” Nanawagan din sila ng pananaig ng hustisya at kapayapaan sa Pilipinas.

Nakiisa ang mga tagapagtaguyod ng kapayapaan at karapatang pantao sa Whangarei, New Zealand sa panawagang pagpapalaya sa 43 manggagawang pangkalusugan sa Pilipinas na tinaguriang “Morong 43.” Nanawagan din sila ng pananaig ng hustisya at kapayapaan sa Pilipinas.

Nagtirik ng mga kandila ang mga aktibistang New Zealander sa ika-anim na buwang pagkakakulong sa Morong 43. Lumagda rin sila sa isang pandaigdigang petisyon para sa pagsuporta sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at gobyerno ng Pilipinas.

Sa isang pampublikong miting na inorganisa ng Philippines Solidarity Netowkr of Aotearoa (PSNA), nagsalita sina Luis Jalandoni at Coni Ledesma, mga negosyador pangkapayapaan ng NDFP, para ipresenta ang tinaguriang “12-Point Program” ng NDFP na naglalaman umano ng programang magbabago sa sistemang pang-ekonomiya, pampulitika at pangkultura ng Pilipinas.

Peace will be the fruit of social justice, when the small landed elite and foreign multinationals will no longer monopolize land ownership in the country. Land reform is a principal issue that must be addressed to pave the way for just and lasting peace in the Philippines,” paliwanag ni Jalandoni sa 12-Point Program ng NDFP.

Binatikos din ni Jalandoni si Presidential Spokesman Edwin Lacierda na nagsabing gusto lamang ni Pangulong Aquino na makapulong ang mga lider ng NDFP kung may nalagdaang peace agreement na.

There’s no short cut to a peace agreement, solving fundamental problems of landlessness and joblessness of the vast majority is crucial to resolving the decades-old conflict. Pres. Aquino promised change but he has yet to resolve the long disputed Cojuangco-Aquino owned Hacienda Luisita covering 6,453-hectares of land that could benefit thousands of poor families if redistributed justly,” paliwanag pa ni Jalandoni.

Sinabi naman ni Tim Howard, PSNA local organizer ng porum sa Whangerei, na nagsindi sila ng kandila sa pag-asang tapusin na ni Pang. Aquino ang “karimlan ng inhustisyang” dinaranas ng 43 manggagawang pangkalusugan at lahat ng bilanggong pulitikal sa Pilipinas.

Bukod sa porum, nakapanayam din sina Jalandoni at Ledesma ng programa sa Radio NZ (pambansang pampublikong radyo) programme, gayundin ng mga programa sa Maori regional radio at lokal na programang pangkomunidad.