Student strike vs budget cut sa edukasyon (Mga Larawan)


12:30 ng hapon: Nagtipon ang daan-daang estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) para magprograma at tumungo sa Senado para iprotesta ang buget cuts sa edukasyon. 4:49 ng hapon: Mahigit isang oras nang nagpoprograma sa harap ng Senado ang aabot sa 8,000 estudyante, guro at kawani mula sa iba’t ibang state colleges and universities […]

12:30 ng hapon: Nagtipon ang daan-daang estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) para magprograma at tumungo sa Senado para iprotesta ang buget cuts sa edukasyon.

Pinangunahan ng iba't ibang militanteng organisasyon ng kabataan ang student strikes sa PUP.
Pinangunahan ng iba't ibang militanteng organisasyon ng kabataan ang student strikes sa PUP.
Nagsalita si San Juan Rep. JV Ejercito sa student strike sa PUP bilang suporta sa ipinaglalaban ng mga estudante.
Nagsalita si San Juan Rep. JV Ejercito sa student strike sa PUP bilang suporta sa ipinaglalaban ng mga estudante.
Inanunsiyo ni Kabataan Rep. Raymond Palatino na nagwelga na rin ang mga estudyante ng iba't ibang state colleges and universities sa buong bansa para labanan ang budget cut sa edukasyon.
Inanunsiyo ni Kabataan Rep. Raymond Palatino na nagwelga na rin ang mga estudyante ng iba't ibang state colleges and universities sa buong bansa para labanan ang budget cut sa edukasyon.

4:49 ng hapon: Mahigit isang oras nang nagpoprograma sa harap ng Senado ang aabot sa 8,000 estudyante, guro at kawani mula sa iba’t ibang state colleges and universities sa Kamaynilaan. Nagsalita ang iba’t ibang lider, kinatawan ng progresibong mga party-list, maging si Sen. Alan Peter Cayetano, at kinondena ang budget cuts ng administrasyong Aquino.

Rainier Sindayen, tagapangulo ng UP Diliman University Student Council, bago magsimula ang martsa sa CCP Complex patungong Senado.
Rainier Sindayen, tagapangulo ng UP Diliman University Student Council, bago magsimula ang martsa sa CCP Complex patungong Senado.
Martsa ng aabot sa 8,000 estudyante, guro at kawani, patungong Senado. (Darius Galang)
Martsa ng aabot sa 8,000 estudyante, guro at kawani, patungong Senado. (Darius Galang)