Banta sa buhay ng mga kongresista ng Bayan Muna, pinaiimbestigahan


Iginiit ng dalawang progresibong kinatawan sa Kamara ng Bayan Muna Party-list sa yunit panseguridad ng Kamara na agarang imbestigahan ang mga banta sa kanilang buhay.

Bayan Muna Reps. Teddy Casino (kaliwa) at Neri Colmenares. (PW File Photo)
Bayan Muna Reps. Teddy Casino (kaliwa) at Neri Colmenares. (PW File Photo)
Bayan Muna Reps. Teddy Casiño (kaliwa) at Neri Colmenares. (PW File Photo)

Ipinanawagan sa yunit panseguridad ng Kamara ng dalawang progresibong kinatawan sa Kamara ng Bayan Muna Party-list  na agarang imbestigahan ang mga banta sa kanilang buhay.

Iniulat ni Bayan Muna Reps. Neri Javier Colmenares at Teodoro Casiño na nakatatanggap sila ng text messages na nagbabanta sa buhay nila at ng kanilang kaanak. Sa isang liham na ipinasa ni Colmenares ksy Brigadier General Nicasio Radovan Jr., sergeant-at-arms ng Legislative Security Bureau (LSB), sinabi niyang mula pa Pebrero 17 nagsimula ang pagtanggap nila ng naturang text messages.

Ilan sa mga mensahe na binanggit ni Colmenares ang mga sumusunod: “It’s Sunday, family day. Enjoy na bawat sandaling kapiling ang mahal mo sa buhay na parang huling araw nyo together”; “Walang lihim na hindi nabubunyag pag ang pamilya ay nasa panganib na”; “Masarap ang pakiramdam pag kasama ang mga mahal sa buhay, ngunit kung mawawala ay malungkot”; at “Pamilya, collateral damage sa labanang ito”.

Sa liham, sinabi ni Colemares na maaaring may kinalaman ang naturang banta sa pagiging tagausig niya sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Natanggap niya ang mga mensahe sa pagitan ng pagiging tagausig sa mga pagdinig. Panahong ito nang makatanggap rin umano si Casiño at ang kanilang istap ng katulad na mga mensahe.

As members of the House of Representatives, both Rep. Casino and I hope that we will be able to trace the source of these threats not just to ensure our safety but also to put to rest the fears that my family and our staff have been burdened with,” paliwanag ni Colmenres sa kanyang liham. “I now realized that these threats are no longer the usual harassment threats but are related to our work as members of the House of Representatives.”

Iniulat din ito sa LSB at humiling sina Colmenares at Casiño ng tulong sa National Bureau of Investigation at sa House Security na imbestigahan ang pangyayari.

Hindi muna isinapubliko ang naturang mga mensahe dahil baka umano madakip nang palihim ang nagpapadala. Napag-alaman ng imbestigasyon na mismong sa North Wing ng Batasan Pambansa nanggaling ang mga mensahe.

Ani Colmenares, ito mismo ang dahilan kung bakit iniulat nila kay Radovan ang kaso. Nang ipanasa umano ng LSB ang kaso sa Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines, tumigil ang naturang death threats.

We are somewhat disappointed that the culprit was not caught,” banggit ni Colmenares sa liham.

Aktibo ang Bayan Muna sa iba’t ibang isyung pambayan, kabilang ang pagsasampa ng kaso laban kay dating Pang. Gloria Macapagal-Arroyo, taas-presyo ng langis, at iba pang isyu’t kontrobersiya sa gobyerno bukod sa impeachment trial ni Corona.

We stress that threats against our persons must never be resorted to merely for our advocacies. The targets of our criticism must engage us in counter advocacies, instead of resorting to harassment and physical threats to us and our family. That is totally overboard, and very unacceptable,” pagtatapos ni Colmenares.