‘Impeachment ni Corona, ginagamit para itago kawalang-tugon ni PNoy sa mga isyung bayan’

Nag-ingay ang militanteng mga grupo sa Welcome Rotonda at Quezon City Memorial Circle ngayon, Mayo 25, para kondenahin ang administrasyong Aquino sa paggamit sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona para linlangin ang publiko sa di-pagtugon sa batayang mga isyu ng mga mamamayan. Bukod dito, ayon sa sentro ng militanteng unyonismo na Kilusang Mayo […]

Hinamon ng mga kawani ng gobyerno sa ilalim ng Courage ang 188 kongresista na lumagda sa impeachment ni Corona na lumagda rin ng waiver para maisiwalat sa publiko ang tunay na yaman nila -- tulad ng iginigiit kay Corona. (Ilang-Ilang Quijano)
Kasabay ng impeachment ni CJ Corona, nanawagan ang militanteng mga grupo sa mga pulitiko sa gobyerno na buksan ang kanilang mga bank account tulad ng pinagagawa nila kay Corona. Samantala, kailangan umanong tugunan ang tiyak na matitimbang na mga isyu ng mga mamamayan, tulad ng tunay na repormang agraryo, makabuluhang dagdag-sahod, pagtigil sa demolisyon, at iba pa. (KR Guda)

Nag-ingay ang militanteng mga grupo sa Welcome Rotonda at Quezon City Memorial Circle ngayon, Mayo 25, para kondenahin ang administrasyong Aquino sa paggamit sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona para linlangin ang publiko sa di-pagtugon sa batayang mga isyu ng mga mamamayan.

Bukod dito, ayon sa sentro ng militanteng unyonismo na Kilusang Mayo Uno (KMU), nagagamit din ang impeachment trial hindi para sugpuin ang korupsiyon sa bansa kundi para tugisin si Corona dahil sa pagpanig ng huli pabor sa mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita.

“Kinokondena namin ang administrasyong Aquino sa maka-isang panig na pagpokus nito sa impeachment ni CJ Corona. Ginagamit nito ang impeachment trial para itago ang mga polisiya nitong nagpapalala lamang sa kagutuman at kahirapan ng mga manggagawa at maralita,” sabi ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.

Rodelson Mesa ng United Luisita Workers Union: Tinugis lamang ng administrasyong Aqiuno matapos ang desisyon ng Korte Suprema pabor sa mga manggagawang bukid. (KR Guda)
Rodelson Mesa ng Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita: Tinugis lamang ng administrasyong Aqiuno matapos ang desisyon ng Korte Suprema pabor sa mga manggagawang bukid. (KR Guda)

Inilinaw naman ng Anakbayan na nais din nilang mapanagot si Corona kung mapatunayang may pagkakasala. Pero malinaw umanong pinarurusahan lamang ng administrasyong Aquino si Corona dahil sa desisyon ng Korte Suprema na ipamahagi ang Hacienda Luisita.

“Hindi naman talaga siya (Aquino) seryoso sa pagpapanagot kay (dating pangulong Gloria Macapagal) Arroyo, at makikita ito sa kung papaano pinahina ng prosekusyon ang mga kaso (laban kay Corona) na may kaugnayan kay Arroyo. Isama pa riyan ang pagpayag ng Palasyo na mailagay sa espesyal na hospital treatment si Arroyo,” paliwanag ni Vencer Crisostomo, tagapangulo ng Anakbayan.

Hinamon nila ang mga kongresista at senador na pumirma rin ng waiver para mabuksan sa publiko ang kanilang mga tagong yaman sa mga bangko, sang-ayon sa hamon ni Corona matapos magtestigo sa impeachment court noong Mayo 22.

“Meron o walang impeachment, dapat mag-issue ng waiver ang mga kongresista sa kanilang bank accounts in the name of transparency and accountability. Huwag magtago sa palda ng Bank Secrecy Law ang mga opisyal ng gobyerno, dahil malaki ang hinala ng mga mamamayan na may tinatago ang mga opisyal na ito,” sabi naman ni Ferdinand Gaite, pambansang pangulo ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage), sa panayam ng Pinoy Weekly.

Nadidismaya ang militanteng mga grupo sa mga pahayag ng mga kongresista at senador na dahil di sila nililitis, wala na silang dahilan para ilantad ang kanilang mga bank account.

Hinamon ng mga kawani ng gobyerno sa ilalim ng Courage ang 188 kongresista na lumagda sa impeachment ni Corona na lumagda rin ng waiver para maisiwalat sa publiko ang tunay na yaman nila -- tulad ng iginigiit kay Corona. (Ilang-Ilang Quijano)
Hinamon ng mga kawani ng gobyerno sa ilalim ng Courage ang 188 kongresista na lumagda sa impeachment ni Corona na lumagda rin ng waiver para maisiwalat sa publiko ang tunay na yaman nila -- tulad ng iginigiit kay Corona. (Ilang-Ilang Quijano)

“Hindi ito nagtutugma sa sinasabi ni Noynoy Aquino na ‘Kung walang corrupt, walang mahirap.’ Hindi ito ‘tuwid na daan,’ kundi ‘nakatagong daan’,” sabi pa ni Gaite.

Samantala, patuloy na itinatanggi ng administrasyon ang matagal nang hiling ng mga mamamayan, tulad ng “makabuluhang” dagdag-sahod sa mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor, pagkontrol sa presyo ng langis at mga bilihin at pag-imbestiga sa overpricing sa langis at pagbasura sa Value Added Tax, imbestigasyon sa mga paglabag sa karapatang pantao at mararahas na demolisyon, at marami pang iba.

Nangako ang KMU at iba pang grupo na maglulunsad sila ng mga protesta sa susunod na mga linggo para bigyang-pokus sa publiko ang mahahalagang isyu ng maralitang mga mamamayan.

“Ang isyu ng kagutuman at kahirapan ay mas mahalaga sa mga manggagawa at mamamayan kaysa sa impeachment ni Corona,” paliwanag pa ni Labog.

May ulat ni Ilang-Ilang D. Quijano