Karapatang Pantao

Pagiging pugante ni Palparan, kinukunsinti ng gobyerno?


Parang hindi na interesado ang administrasyong Aquino na hanapin ang pugante at pangunahing suspek sa maraming paglabag sa karapatang pantao na si Hen. Jovito Palparan. Ito ang sinabi ni Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan, grupong pangkarapatang pantao. “Nangangamba kaming tila nasasanay na at kinukunsinti ng gobyerno ang pagiging absent ni Hen. Palparan sa court […]

Puganteng heneral na si Jovito Palparan.(PW File Photo)
Puganteng heneral na si Jovito Palparan.(PW File Photo)
Puganteng heneral na si Jovito Palparan.(PW File Photo)

Parang hindi na interesado ang administrasyong Aquino na hanapin ang pugante at pangunahing suspek sa maraming paglabag sa karapatang pantao na si Hen. Jovito Palparan.

Ito ang sinabi ni Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan, grupong pangkarapatang pantao. “Nangangamba kaming tila nasasanay na at kinukunsinti ng gobyerno ang pagiging absent ni Hen. Palparan sa court hearings,” aniya.

Nanatiling pugante si Palparan at hindi sumipot sa pinakahuling pagdinig ng Malolos Regional Trial Court sa Bulacan hinggil sa kaso ng pagdukot at seryosong ilegal na detensiyon sa mga aktibistang sina Sherlyn Cadapan, Karen Empeno, at iba pa noong 2006.

Sa naturang pagdinig, tumestigo si Raymond Manalo, ang saksi sa pagkulong ni Palparan at mga tauhan niya sa Philippine Army kina Empeno at Cadapan, at sa iba pa. Tumestigo si Manalo, na isa ring biktima ng tortyur sa kamay ni Palparan, na nakita niyang inaabuso ng mga tauhan ni Palparan ang dalawang kabataang aktibista, pati ang magsasakang si Manuel Merino, sa isang kampo ng militar sa Limay, Bataan.

Positibong tinuro ni Manalo sa korte si Lt. Col. Felipe Anotado, na isa sa mga sundalong namalagi sa kampo kasama ni Palparan. Nasa pagdinig ng korte si Anotado noong araw na iyon.

Sinabi ni Palabay na mag-iisang taon na magmula nang unang mga pagdinig laban kay Palparan, pero hindi nagpapakita ang dating heneral sa korte.

“Gusto naming humarap si Palparan sa korte at makulong. Dapat sinisiguro ng gobyerno ni Aquino na patungo sa direksiyong ito ang mga pagdinig. “