Espesyal na Ulat Pambansang Isyu

PW espesyal na isyu hinggil sa dayaan sa halalan


Inilabas ng Pinoy Weekly noong nakaraang linggo ang espesyal na print issue hinggil sa dayaan sa eleksiyong 2013. Sa pamamagitan ng independiyenteng mga ulat ng PW, gayundin ng mga ulat at pagsusuri ng poll watchdogs, ipinapaliwanag sa isyung ito ang batayan ng mga akusasyon ng pandaraya. Pinakahuling naghayag ng paninindigang may naganap na pandaraya noong nakaraang […]

Inilabas ng Pinoy Weekly noong nakaraang linggo ang espesyal na print issue hinggil sa dayaan sa eleksiyong 2013. Sa pamamagitan ng independiyenteng mga ulat ng PW, gayundin ng mga ulat at pagsusuri ng poll watchdogs, ipinapaliwanag sa isyung ito ang batayan ng mga akusasyon ng pandaraya. Pinakahuling naghayag ng paninindigang may naganap na pandaraya noong nakaraang midterm elections ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP. Pero hindi lang sila ang may ganitong pagtingin. Simula’t sapul, mula sa panahong ayaw ilabas ng Commission on Elections ang source code ng PCOS machines (inilabas ito tatlong araw bago ang halalan), hanggang sa mismong panahon ng botohan, hanggang sa mga anomalya matapos nito, may matibay na mga batayan na para kuwestiyunin ang integridad ng naturang halalan.