Karapatang Pantao

Larawan | Mag-asawang Tiamzon, sinampahan ng bagong ‘gawa-gawang’ kaso


Sinampahan ng panibagong kasong kriminal sina Wilma Austria at Benito Tiamzon, mga lider ng rebolusyonaryong kilusan, sa Quezon City Regional Trial Court Branch 81. Kinasuhan ang dalawa ng kidnapping and serious illegal detention dahil daw sa pagdukot sa isang ahente ng Narcotics Command  at tatlong iba pang elemento ng militar sa Mauban, Quezon noong 1998. […]

Benito Tiamzon, sa isang pagdinig sa kanilang bagong kaso sa QC Regional Trial Court nitong Abril 8. Macky Macaspac
Ang mag-asawang Tiamzon sa sa sala ni Judge Madonna Echeverri.Macky Macaspac
Ang mag-asawang Tiamzon sa sa sala ni Judge Madonna Echeverri.Macky Macaspac

Sinampahan ng panibagong kasong kriminal sina Wilma Austria at Benito Tiamzon, mga lider ng rebolusyonaryong kilusan, sa Quezon City Regional Trial Court Branch 81.

Kinasuhan ang dalawa ng kidnapping and serious illegal detention dahil daw sa pagdukot sa isang ahente ng Narcotics Command  at tatlong iba pang elemento ng militar sa Mauban, Quezon noong 1998.

Sa maikling pahayag ni Austria sa midya, iginiit niyang hindi sila kriminal kundi mga rebolusyonaryo.

“Patutunayan namin sa lahat ng korte na wala kaming kasalanan,” aniya.  Bukod sa panibagong kaso, hinaharap pa ng mag-asawa ang kasong multiple murder at illegal possession of firearms and explosives sa Manila at Cebu.

Macky Macaspac
Macky Macaspac
Nagprotesta naman sa harapan ng korte ang iba't-ibang progresibong grupo para ipanawagan ang pagpapalaya sa mag-asawa. Macky Macaspac
Nagprotesta naman sa harapan ng korte ang iba’t ibang progresibong grupo para ipanawagan ang pagpapalaya sa mag-asawa. Macky Macaspac