Buhay Pinoy

‘Walking Street’


Sa kalsadang ito sa Angeles City, Pampanga, walang sasakyang maaaring dumaan. Magkabila ang bars, massage parlors at night clubs. Mga babaing naghihimok sa mga dayuhan na pumasok sa loob ng bars ang nasa kalsada. Beinte kwatro oras silang nagtatrabaho, nag-aalok ng aliw — at laman. KR Guda

Sa kalsadang ito sa Angeles City, Pampanga, walang sasakyang maaaring dumaan. Magkabila ang bars, massage parlors at night clubs. Mga babaing naghihimok sa mga dayuhan na pumasok sa loob ng bars ang nasa kalsada. Beinte kwatro oras silang nagtatrabaho, nag-aalok ng aliw -- at laman. KR Guda
Sa kalsadang ito sa Angeles City, Pampanga, walang sasakyang maaaring dumaan. Magkabila ang bars, massage parlors at night clubs. Mga babaing naghihimok sa mga dayuhan na pumasok sa loob ng bars ang nasa kalsada. Beinte kwatro oras silang nagtatrabaho, nag-aalok ng aliw -- at laman. <strong>KR Guda</strong>
Sa kalsadang ito sa Angeles City, Pampanga, walang sasakyang maaaring dumaan. Magkabila ang bars, massage parlors at night clubs. Mga babaing naghihimok sa mga dayuhan na pumasok sa loob ng bars ang nasa kalsada. Beinte kwatro oras silang nagtatrabaho, nag-aalok ng aliw — at laman. KR Guda

“Mas mabuti nga na dumating sila, lumaki man lang ang kita namin.”

Ito ang sabi ng isang babaing tambay sa bungad ng Walking Street. Pinatutungkulan niya ang inaasahang pagdagsa mula ng mga tropang Kano — dahil sa paglagda ni Benigno Aquino III at Barack Obama ng Agreement on Enhanced Defence Cooperation, na naglalayong paigtingin ang presensiya ng militar ng Amerika sa Pilipinas.

Mula sa iba’t ibang lugar ang mga babae ng Walking Street. May galing Tarlac, mga malalayong lugar ng Pampanga. May galing Visayas. May galing Leyte, na tumakas sa matinding gutom at kahirapan matapos ang bagyong Yolanda noong nakaraang taon.

Dati nang red light district ang lugar na ito sa Angeles City, noong panahon ng baseng militar sa Clark, Pampanga. Ngayon, nagpapatuloy ang pagkapit ng kababaihan sa prostitusyon para lang may pangkain. Sinasamantala ng mga dayuhang bisita — turista man o tropang Kano — ang desperasyong ito ng kababaihan. (KR Guda)