Istorya ng Linggo Main Story Photo Gallery

Larawan | Sigaw sa Araw ng Karapatang Pantao: Wakasan ang abusadong rehimen


[cycloneslider id=”2014-human-rights-day-rally”] Umabot sa 204 ang bilang ng mga biktima ng pampulitikang pamamaslang mula Hulyo 2010 hanggang Hunyo 2014. Sa bilang na ito, 117 magsasaka at 49 katutubo. Ito, at marami pa, ang dahilan kung bakit nagmartsa ang libu-libong mamamayan sa Araw ng Karapatang Pantao nitong Disyembre 10. Sa programa sa Mendiola, Manila, inihayag nila […]

[cycloneslider id=”2014-human-rights-day-rally”]

Umabot sa 204 ang bilang ng mga biktima ng pampulitikang pamamaslang mula Hulyo 2010 hanggang Hunyo 2014. Sa bilang na ito, 117 magsasaka at 49 katutubo.

Ito, at marami pa, ang dahilan kung bakit nagmartsa ang libu-libong mamamayan sa Araw ng Karapatang Pantao nitong Disyembre 10. Sa programa sa Mendiola, Manila, inihayag nila ang husga sa administrasyong Aquino: di na dapat magtagal sa puwesto ang pangulong may mahabang rekord ng paglabag sa karapatan ng mga mamamayan.

Pinangunahan ng grupong pangkarapatang pantao na Karapatan ang protesta. Nilahukan ito ng Manilakbayan ng Mindanao–ang humigit-kumulang 300 Lumad, magsasaka at iba pang mamamayan mula sa Mindanao na naglakbay patungong Maynila para ipakita sa madla ang malawakang militarisasyon sa kanilang mga komunidad, na binabantaan din ng malawakang komersiyal na pagmimina at pagtotroso.

Lumahok din sa martsa-protesta at programa sa Mendiola, Manila ang daan-daang tao mula sa Timog Katagalugan at Central Luzon, lalo na mula sa Hacienda Luisita sa Tarlac.

Nagmartsa din ang libu-libong miyembro ng iba’t ibang sektoral na organisasyon sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan.