#Sinungaling | ‘Groupie protest’ isinagawa sa Trinoma Mall


Nagtipon ang mga miyembro ng Truth and Accountability Alliance at Noynoy Out Now! (NOW) sa Activity Center ng Trinoma Mall sa Quezon City para sa isang tahimik na “groupie protest” kontra sa pagsisinungaling diumano ni Pangulong Aquino sa pananagutan niya sa trahedya sa Mamasapano at iba pang isyu. Nakausot sila ng itim na t-shirt na may nakasulat […]

"Groupie protest" sa Trinoma Mall. Cynthia Espiritu
"Groupie protest" sa Trinoma Mall. <b>Cynthia Espiritu</b>
“Groupie protest” sa Trinoma Mall. Cynthia Espiritu

Nagtipon ang mga miyembro ng Truth and Accountability Alliance at Noynoy Out Now! (NOW) sa Activity Center ng Trinoma Mall sa Quezon City para sa isang tahimik na “groupie protest” kontra sa pagsisinungaling diumano ni Pangulong Aquino sa pananagutan niya sa trahedya sa Mamasapano at iba pang isyu.

Nakausot sila ng itim na t-shirt na may nakasulat na “Sinungaling” at may karikatyur na mukha ni Aquino. Sinabayan ng grupo ang pagdagsa ng mga taong namamasyal at namimili sa naturang popular na mall sa araw ng Linggo.

Napansin ng security guards ng mall at nagpaabot sila na hindi puwede ang rally sa loob ng mall.  Nagpaliwanag ang ilang kasapi na wala namang sigawan o ingay at hindi din naman nagsagawa ng programa sa loob at tanging nais lamang nila ay magkita-kita at mag-groupie.  

“Layunin ng pagtitipong ito na iparating sa mas maraming mamamayan na nagsinungaling itong si Aquino sa taumbayan at kinakailangang siya ay managot sa kanyang mga pagpapabaya mula pa nung Yolanda, sa kontrobersiyal na DAP (Disbursement Acceleration Program) at PDAF (Priority Development Assistance Fund), sa pagkamatay ng marami sa Mamasapano, ang kawalan ng kakayahan at kredibilidad na mamuno at ang patuloy na pagbebenta sa pambansang soberanya ng bansa pangunahin sa gobyerno ng Estados Unidos,” sabi ng dating kongresista at kasalukuyang tagapagsalita ng NOW na si Liza Maza.

Matagumpay na naisagawa ang aktibidad at matapos ang isang oras ay nilisan ng grupo ang lugar nang payapa at maayos.