
Sa martsa ng mga maralitang lungsod sa pangunguna ng Kadamay noong Marso 23, ipinakita nila sa Korte Suprema at sa publiko ang mga komunidad na naapektuhan ng polisiya ng administrasyong Aquino ng demolisyon. Pinababasura nila ang isang 20-anyos na batas na sinasangkalan ng administrasyon sa demolisyon.

Nagpiket sa harap ng tanggapan ng National Food Authority (NFA) sa Iloilo City ang mga magsasaka ng Panay at Guimaras noong Marso 1 para ihayag ang kanilang pagtutol sa pinaplano ng administrasyong Aquino na isapribado ang NFA.
Mar 6 2012 | Posted in
Balita |
Read More »

Isang tigil-pasada at “protestang bayan” ang ipinanawagan ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) kontra sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Ayon sa mga maralitang lungsod, sila umano ang pangunahing tinatamaan sa bawat sentimong pagtaas ng presyo ng langis. Kaya, nanawagan ng Kadamay na muling ulitin ng mga tsuper at iba pang sektor ang matagumpay na protesta at tigil-pasada noong Septyembre 19 noong nakaraang taon na nagparalisa ng transportasyon sa iba’t ibang panig ng bansa.

Bunsod ng pagpapatupad ng neoliberal na globalisasyon, iwinasiwas ng mga kapitalista ang iba-ibang iskema ng pleksibleng paggawa. Ang resulta: pagkawala ng karapatan sa kaseguruhan sa trabaho ng libu-libong manggagawa.
“Sa magkanong halaga?” Ito ang tanong ng Anakpawis Party-list sa Korte Suprema, kapalit diumano ng desisyon nito na magsagawa ng referendum sa Hacienda Luisita sa halip na ipamahagi ang lupa sa mga manggagawang bukid ng asyenda. Sa kilos-protesta sa Mendiola noong Hulyo 20, binatikos nila ang pagpabor ng Korte Suprema sa pamilyang Cojuangco-Aquino. (Macky Macaspac)
Jul 21 2011 | Posted in
Balita |
Read More »
Nanawagan si Anakpawis Rep. Rafael Mariano kay Pang. Benigno Aquino III na bigyang-pansin ang panukalang pagbasura sa Oil Deregulation Law (ODL), sa gitna ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis. Kailangan umanong masimulan na ng House Commitee on Energy ang mga debate hinggil sa House Bill 4317, panukalang batas na nagbabasura sa ODL at [...]
Mar 16 2011 | Posted in
Balita |
Read More »
Hiniling ng militanteng mga mambabatas na imbestigahan ng Kamara ang pagpatay kina Leonardo Co, siyentistang pangkalikasan, Sofronio Cortez, bantay-gubat at magsasakang si Julius Borromeo sa Kananga, Leyte.
Nov 18 2010 | Posted in
Balita |
Read More »
Sa halip na mga bahay: mga mall, call centers, tanggapan ng dayuhang mga korporasyon, parke. Sa halip na disente at matinong kabuhayan: kontraktuwal na mga trabaho. Ito ang plano sa North Triangle sa Quezon City. Itataboy ang libu-libong maralita para sa isang panlabas na mga istruktura ng “kaunlaran.”
Layunin umano ng pagtaas ng singil sa MRT at LRT na ipakita sa mga dayuhang pribadong mamumuhunan na kikita sila kung mamumuhunan sa serbisyong ito. Siyempre, lugi na naman ang mga komyuter at manggagawa.
Sep 2 2010 | Posted in
Lathalain |
Read More »
Kagyat na pampagaan sa mabigat nang ipinapasan ng mga mamamayan na gastusin ang pagtanggal sa 12-porsiyentong Value Added Tax (VAT) sa mga produkto at serbisyo, ayon kay Anakpawis Rep. Rafael Mariano. Sinabi ito ni Mariano sa kabila ng papalapit na pagtaas ng presyo ng toll rates sa mga haywey sa Agosto 16. Dahil dito, nakaamba [...]
Aug 13 2010 | Posted in
Balita |
Read More »