Pinoy Weekly
Posts tagged as: Kalikasan

Mga grupong maka-kalikasan, katutubo nagprotesta vs pamamaslang sa kanilang hanay

"Itigil ang mga pamamaslang!" sabi ng istrimer ng mga grupong maka-kalikasan, katutubo at taong-simbahan na nagrali sa harap ng Kampo Aguinaldo noong Mayo 17 para iprotesta ang pagpatay sa mga aktibistang maka-kalikasan at iba pang aktibista. (Macky Macaspac)

Nagprotesta ang mga grupong maka-kalikasan at katutubo sa harap ng Kampo Aguinaldo sa Quezon City para ihayag ang pagkondena sa ekstra-hudisyal na mga pamamaslang sa mga aktibistang maka-kalikasan. Pinangunahan ng Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (KAMP), Karapatan at Katribu Party-List, inilunsad ng mga grupo ang protesta matapos ang pamamaslang kina Frederick Trangia at [...]

Pagkakapaslang sa makakalikasan kinondena

Mapa ng Compostela Valley

Mariing kinondena ng mga aktibistang makakalikasan ang pinakahuling pagpaslang sa kanilang hanay noong Mayo 6 sa lalawigan ng Compostela Valley. Ayon sa Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan-PNE), pinaslang ng di nakilalang mga lalaki si Frederick Trangia, 60 taong gulang at lider komunidad sa Brgy. Mainit, Nabunturan, Compostela Valley noong Mayo 6. Si Trangia [...]

Aktibistang tutol sa dam, pinaslang sa Bukidnon

Kasabay ng pamamaslang sa mga aktibistang makakalikasan ang mga "development project" na banta sa kalikasan, ayon sa Kalikasan Party-list. (Contributed Photo)

Isa na namang tagapagtaguyod ng kalikasan ang pinaslang ng di pa nakikilalang salarin noong Mayo 9, sa Brgy. Palma Kibawe, Bukidnon. Ang biktima, si Margarito Cabal, ay aktibong lider ng Task Force Save Pulangi (TFSP) na tumututol sa pagtatayo ng isang hydroelectric dam sa ilog ng Pulangi na banta umano sa kapaligiran at maaaring magtaboy [...]

Lumalawak na mapaminsalang pagmimina, at lumalawak na paglaban kontra rito

PW-mining-conference-featured

Aktibong ibinubukas ng administrasyong Aquino ang mga kabundukan at lupain ng Pilipinas sa malalaking dayuhang kompanya ng pagmimina. Malaking panganib ang pandarambong, pati ang dislokasyon at panunupil sa mga mamamayan sa mga lugar na ito. Pero inaasahang titindi rin ang paglaban nila laban sa malakihan at mapanirang pagmimina.

Iresponsableng pagmimina sa Palawan, nagdulot ng kontaminasyon sa ilog

Mapa ng Palawan

Nakontamina ng pagmimina ng nickel sa isla ng Palawan ang ilog sa naturang lugar, ayon sa mga grupong makalikasan

Kampanya laban sa iresponsableng pagmimina pinaigting

Mula Luzon hanggang Mindanao, tinututulan ang pagpasok ng malalaking kompanya ng mina. Noong Enero 25, nagsagawa rin ng protesta ang mga magsasaka sa Compostela Valley laban sa malaking pagmimina, na nagdudulot ng landslide at iba pang pinsala. (Jonald Mahinay)

Nagsagawa ng porum ang mga grupong maka-kalikasan sa ilalim ng Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE) sa Pampanga kamakailan para talakayin ang banta ng malawakang pagmimina sa Mt. Abo, isang importanteng watershed at lupaing ninuno ng libu-libong katutubong Aeta sa naturang erya. Ang naturang porum ay simula umano ng tinawag nilang pinaigting na [...]

Pagguho ng lupa sa Pantukan, dumaraming kalamidad resulta ng kapabayaan ng gobyerno – Kalikasan

Patuloy na naghuhukay ang mga residente, rescue workers, at mga minero mula sa karatig na mga minahan sa maputik at mabatong lugar ng maralitang komunidad ng mina sa Pantukan, Compostela Valley kung saan naganap ang isang landslide na kinamatay ng di-bababa sa 27 katao. (Karlos Manlupig)

Sa kabila ng maraming naganap na mga sakuna at siyentipikong pag-aaral, tila hindi pa rin napaghandaan ng gobyerno ang mga posibleng kalamidad, ayon sa isang grupong makakalikasan. “Mukhang nabigong muli ang gobyerno na maiwasan ang mga trahedya partikular sa mga peligrosong lugar tulad ng Pantukan, Compostela Valley at mga siyudad ng Cagayan De Oro, Dumaguete [...]

15 taon ng pagmimina, 15 taon ng sakuna

Para sa mga grupong makakalikasan, napatunayan ng 16 taon ng pagpapatupad ng Mining Act of 1995 na lalong ikinasira ng kalikasan, kultura at kabuhayan ang walang habas na pagpasok ng malalaking dayuhang kompanya ng mina. Panahon na, anila, para magpatupad ng isang maka-mamamayang batas sa pagmimina.

Pamamaslang sa siyentista pinaiimbestigahan sa Kamara

Hiniling ng militanteng mga mambabatas na imbestigahan ng Kamara ang pagpatay kina Leonardo Co, siyentistang pangkalikasan, Sofronio Cortez, bantay-gubat at magsasakang si Julius Borromeo sa Kananga, Leyte.

Arroyo binatikos sa pagbebenta ng lupa sa dayuhan

Hindi na nagulat ang isang grupong makakalikasan sa balitang isang dayuhang kompanya ang nakapag-ari ng 400,000 ektaryang lupain sa Hilagang Luzon na maaari nitong gamitin nang libre sa loob ng 50 taon. Ayon kay Clemente Bautista, tagapag-ugnay ng Kalikasan People’s Network for the Environment, isa lamang ito sa mga kaso ng pagbebenta ng administrasyong Arroyo [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes