Pinoy Weekly
Posts tagged as: Lakbayan

Magsasakang Pilipino, may dahilang mag-alsa

Nagtagpo sa Kamaynilaan ang mahigit 3,000 magsasaka na naglakbay mula sa iba’t ibang rehiyon para muling hilingin sa bagong rehimen ang luma nang hiling: Tunay na reporma sa lupa, hindi mapanlinlang na ekstensiyon ng CARP. Hustisya sa mga inapi’t inabuso, hindi pagpapanggap at pagpapabango ng bangong pangulo.

Mga Larawan: Salubungan ng magsasaka sa iba’t ibang rehiyon na lahok sa Lakbayan

Salubungan ng mga magsasaka mula Timog at Hilagang Luzon sa tapat ng tanggapan ng Department of Agrarian Reform noong gabi ng Oktubre 20 para igiit ang hustisya at tunay na repormang agraryo.

Mga Larawan: Ikalawang araw ng Lakbayan para sa hustisya at reporma sa lupa

Martsa ng mga magsasaka mula Rizal at Timog Luzon (mula Sorsogon hanggang Southern Tagalog) patungong Kamaynilaan para igiit ang tunay na reporma sa lupa at hustisya para sa mga magsasaka. Naglakad lamang ang mga magsasaka, sa kabila ng bagyong Juan humagupit sa Kamaynilaan at iba pang bahagi ng Luzon.

Mga Larawan: Unang araw ng Lakbayan sa Southern Tagalog para sa reporma sa lupa

Mga larawan ng unang araw ng Lakbayan para sa tunay na repormang agraryo sa Southern Tagalog.

Magbubukid ng Hacienda Luisita, mangunguna sa malaking pagkilos

Pangungunahan ng mga manggagawang-bukid ng Hacienda Luisita ang tatlong araw na martsa na magsisimula sa Oktubre 18 at lulundo sa isang malaking kilos-protesta sa Mendiola sa Oktubre 21. Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), lalahok ang tinatayang 50,000 magsasaka at kanilang mga tagasuporta sa buong bansa sa martsang pinamagatang Lakbayan ng Magsasaka at Anakpawis [...]

Noynoy wastuhin ang kamalian ni Cory na di pagpatupad ng repormang agraryo – Satur

Hinamon ni Bayan Muna Rep. at kandidato sa pagkasenador Satur Ocampo si Sen. Noynoy Aquino na angkinin ang responsabilidad na tanggapin ang pagkakamali ng ina at dating pangulong Corazon Aquino na di pagpatupad ng tunay na repormang agraryo. Sinabi rin ni Ocampo na kailangang pangunahan din ni Aquino ang pagbibigay hustisya sa 13 napaslang na [...]

Mga Larawan: Makasaysayang martsa ng mga magsasaka mula Mindanao, Hilagang Luzon tungong Mendiola

Libong milya ang nilakad nila para makarating ng Mendiola sa anibersaryo ng masaker sa lugar na ito. Panawagan pa rin nila ang karapatan sa lupa at hustisya.

Tunay na reporma sa lupa: Pambansang usaping dapat pag-alabin

Mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa, dumagsa sa Mendiola ang libu-libong magsasakang naglakbay ng 10 araw. Alamin kung ano ang malaking problema sa bansa na iniiwasang pag-usapan ng mga kandidato sa panahon ng halalan.

Mula sa kabundukan ng Gitnang Luzon, bitbit ang pagtutol

Bumaba sa kabundukan ang mga katutubo para sumama sa Pambansang Lakbayan para sa Lupa at Katarungan. Sa hilagang bahagi, nilahukan ito ng mga magsasaka at manggagawang-bukid mula sa Cagayan Valley, Ilokos, at Gitnang Luzon.

Kung Bakit Tayo Paluwas at Walang Sunong na Kalakal

Inilathala ng Pinoy Weekly ang tulang ito kasabay ng “Pambansang Lakbayan ng Anakpawis Para sa Lupa at Katarungan”, na nagsimula noong Enero 16 at magtatapos sa Enero 22, ang ika-23 anibersaryo ng Mendiola Massacre.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes