Relief allowance ng kawani, guro, pinatataasan


Muling ipinanawagan ng ACT Teachers Partylist ang dagdag sa Personnel Economic Relief Allowance (PERA) ng mga kawani ng gobyerno at guro sa pampublikong paaralan na mula P2,000 tungong P5,000.

Muling ipinanawagan ng ACT Teachers Partylist ang dagdag sa Personnel Economic Relief Allowance (PERA) ng mga kawani ng gobyerno at guro sa pampublikong paaralan na mula P2,000 tungong P5,000.

“Two thousand pesos mula 2009, hindi po gumalaw ‘yon. At nasa pangalan na mismo, Personnel Economic Relief. Talagang intensiyon ay bilang pandagdag lalo na sa ganitong panahon ng krisis,” sabi ni ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio sa joint committee hearing para talakayin ang krisis sa langis at enerhiya nitong Abril 8.

Noon pang Hunyo 2025, nagpasa na ang ACT Teachers Partylist at Kabataan Partylist na panukalang magpapataas sa PERA. Ngayon, nangangalap ng pirma ang mga partylist para sa kaukulang pansin sa panawagan. Isa ang All UP Workers Union-Manila/PGH sa mga pumirma dito, kasama ang iba pang miyembro ng All Government Employees Unity.

Dagdag ng ACT Teachers Partylist, “Kinaya ng administrasyon ang higit sa dobleng pagtataas ng subsistence allowance ng mga sundalo at pulis, kaya walang dahilan para sabihing walang pondo para sa sapat na benepisyo at disenteng sweldo para sa mga guro at kawani.”