Dumating sa Pilipinas noong Hulyo 21 si Melissa Roxas (gitna), Pilipino-Amerikano na diumano'y dinukot at tinortyur ng militar noong Mayo, para ipagpatuloy ang pagsampa niya ng kaso laban sa militar at gobyernong Arroyo. Sinalubong siya ni Leila de Lima (kanan), tagapangulo ng Commission on Human Rights, Bayan Muna Rep. Satur Ocampo (kaliwa), at iba pang progresibong lider. (Vince Borneo / Contributed Photo)
Hinimok ng mga dating bilanggong politikal ang Bureau of Jail Management and Penology na siyasatin ang mga ulat ng paulit-ulit na abuso sa mga bilanggo sa Negros Occidental District Jail Male Dormitory sa Bago City.
Nagsampa ng reklamo ang Altermidya Network ang mga abuso sa mga bilanggo sa Tacloban City Jail Female Dormitory kung saan nakapiit ang community journalist na si Frenchie Mae Cumpio.
Mariin ding kinondena ng mga organisasyon ng mga magsasaka at progresibong grupo ang pagpasalang sa pamilya Fausto sa kanilang tahanan sa Himamaylan City, Negros Occidental.