Migrante

Delisting ng Comelec sa Migrante, karagdagang sampal sa karapatan ng OFWs


Inireklamo ng Migrante International ang kawalan ng due process sa pagtanggal sa kanilang grupong party-list ng Commission on Elections (Comelec) sa talaan ng mga party-list na maaaring lumahok sa halalan sa 2010. Sinabi ni Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante, na kuwestiyonable ang delisting sa kanilang party-list dahil hindi sinunod ng Comelec ang proseso na kailangang abisuhan […]

OFWs: :Lalong naging mardyinalisado matapos ang delisting sa Migrante Sectoral Party. (Arkibong Bayan)
OFWs: :Lalong naging mardyinalisado matapos ang delisting sa Migrante Sectoral Party. (Arkibong Bayan)

Inireklamo ng Migrante International ang kawalan ng due process sa pagtanggal sa kanilang grupong party-list ng Commission on Elections (Comelec) sa talaan ng mga party-list na maaaring lumahok sa halalan sa 2010.

Sinabi ni Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante, na kuwestiyonable ang delisting sa kanilang party-list dahil hindi sinunod ng Comelec ang proseso na kailangang abisuhan muna sila at bigyang panahong makasagot, sang-ayon sa batas.

Inuna munang tanggalin ang Migrante at ang 26 iba pang party-list bago hingiin ng Comelec ang pormal nilang manipestasyon ng pagtutol, sabi pa ni Martinez.

If the Comelec found the list of participating party-list groups ridiculously too long for the coming election, it has no other one to blame but itself. It was the sole agency that approved the registration of those party-list groups who cannot even be considered as part of the marginalized sector as defined in the Constitution,” sabi pa ni Martinez.

Umalma rin ang overseas Filipino workers (OFW) sa Gitnang Silangan sa naturang desisyon ng Comelec.

Sinabi ni John Leonard Monterona, regional coordinator ng Migrante Internatonal sa Middle East, sampal sa milyun-milyong mga OFW at mga kaanak nito ang delisting sa Migrante. Aniya, lalong nananatiling mardyinalisado ang mga OFW na naghahangad pa rin ng tunay na sektoral na representasyon sa Kongreso.

Iginiit ni Monterona na lehitimong sektoral na partido ang Migrante na naglalayong katawanin ang aabot sa 10 milyong Pilipino na naghihirap sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

[T]he 10 million OFWs around the world along with their families and dependents in the homeland won’t easily give up this noble quest. We are seeing [it as] a big fight…It may be legal battle, (or it may be a) battle in the streets if necessary–in the homeland and around the world,” sabi pa ni Monterona.

Naglabas noong Oktubre 13 ang Comelec ng En Banc Resolution No. 8679 na nagtatanggal sa Migrante at 25 iba pang party-list sa opisyal na talaan ng mga party-list na lalahok sa halalang 2010.

Nakasaad sa Section 6 ng Party-list System Act (Republic Act 7941) na ang mga partidong hindi lumahok o hindi nakakuha ng representasyon sa dalawang magkasunod na halalan (sa pagkakataong ito, halalang 2004 at 2007) ay kailangan nang tanggalin sa talaan.

Sinabi ni Monterona na nagkakamali ang Comelec sa R.A. 7941 dahil noong 2004 lang naman huling lumahok ang Migrante, kung kailan hindi ito nakakuha ng 2% ng mga botong party-list.

Migrante Party-list decided not to participate in the May 14, 2007 Party-list elections as concentrated (we) our efforts then to strengthen our organizations abroad and in the home front, with our families and dependents,” paliwanag ni Monterona.

Sinabi pa ni Monterona na naghahanda na ang mga abogado ng Migrante sa Maynila para aksiyunan ang isinagawang delisting ng Comelec sa kanilang partido.

“This is anomalous and we will certainly file a formal protest against this Comelec resolution. Unfortunately, it is only the Malacanang backed partylist groups who are going to benefit from this Comelec decision while legitimate representatives of the marginalized sectors of our society are getting denied of their right to due proccess,” pagtatapos ni Martinez.