Larawan at video: Isang linggong protesta para palahukin ang Migrante sa halalan, ikinasa
Ikinasa ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) ang isang linggong protesta para udyukan ang Commission on Elections na palahukin ang Migrante Party-list sa 2010 halalan. Tinututulan nila ang Comelec En Banc Resolution noong Oktubre 13, 2009 sa dinidiskwalipika ang Migrante at 25 pang party-list. Umano’y labag ang nasabing resolusyon sa Party-list System Act at isang hakbang […]
Ikinasa ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) ang isang linggong protesta para udyukan ang Commission on Elections na palahukin ang Migrante Party-list sa 2010 halalan.
Tinututulan nila ang Comelec En Banc Resolution noong Oktubre 13, 2009 sa dinidiskwalipika ang Migrante at 25 pang party-list. Umano’y labag ang nasabing resolusyon sa Party-list System Act at isang hakbang para patahimikin ang mga organisasyong kritikal sa administrasyon.

Samantala, mahigit-kumulang 150 kababaihan mula sa isang komunidad ng mga OFW sa Bagong Barrio, Caloocan City ang nagsagawa ng jogging at ehersisyo bilang simbolikong protesta.
“Ipinapakita ng aming pagtakbo na hindi kami magpapapigil sa malisyosong hakbang ng gobyerno na patuloy kaming imarginalisa. Matagal na naming ipinaglalaban ang aming mga karapatan. Hindi namin hahayaan ang atakeng ito sa aming organisadong tangka na sa wakas ay marinig ang boses sa Kongreso,” sabi ni Gina Gaborni, deputy secretary general ng Migrante International.
Panoorin ang video: (Kuha ni Ailyn Abdula)
Ang jogging at ehersisyo sa Caloocan City ang una sa serye ng mga kilos-protesta ng Migrante ngayong linggo, na lulundo sa isang rali sa harap ng Comelec sa Nobyembre 12.