Video: Mamamahayag ng Kodao naipit, nasaksihan karahasan sa eleksiyon sa Lanao del Sur
LANAO DEL SUR — Dalawang-araw na palitan ng putok sa mga polling places sa Tugaya, Lanao del Sur, alas-9:30 ng umaga noong Mayo 10, ang nakuhanan sa bidyong ito. Isang babae ang napaslang at dalawa ang sugatan. Naipit sa putukan ang mga delegado ng Peoples International Observers Mission, kabilang ang mga dayuhang tagamasid mula sa […]
LANAO DEL SUR — Dalawang-araw na palitan ng putok sa mga polling places sa Tugaya, Lanao del Sur, alas-9:30 ng umaga noong Mayo 10, ang nakuhanan sa bidyong ito. Isang babae ang napaslang at dalawa ang sugatan.
Naipit sa putukan ang mga delegado ng Peoples International Observers Mission, kabilang ang mga dayuhang tagamasid mula sa Canada, US, at Australia. Naipit din sa putukan ang mga mamamahayag ng Kodao Productions, kabilang si Raymund Villanueva at iba pang Pilipinong miyembro ng misyon. Ang footage ay kuha nina Raymund Villanueva ng Kodao Productions at Eugene Soco.