Sugod mga Kapatid

Rain on the parade


Tila lahat ng taong kakilala ko ay nagdidiwang noong huling linggo ng Hunyo. Kahit ang Kaliwa, ipinagdiriwang ang napipinto noon na pagkawala ng presidential immunity ni Gloria Arroyo, at ang sana’y napapalapit na oras ng pagtutuos. Noong Hulyo 29, sa katunayan, may street party dapat ang Bagong Alyansang Makabayan sa Welcome Rotonda…nang biglang bumuhos ang ulan. Kanselado ang event.

Tila lahat ng taong kakilala ko ay nagdidiwang noong huling linggo ng Hunyo. Kahit ang Kaliwa, ipinagdiriwang ang napipinto noon na pagkawala ng presidential immunity ni Gloria Arroyo, at ang sana’y napapalapit na oras ng pagtutuos.  Noong Hunyo 29, sa katunayan, may street party dapat ang Bagong Alyansang Makabayan sa Welcome Rotonda…nang biglang bumuhos ang ulan. Kanselado ang event.

Hindi ako naniniwala sa mga pamahiin, pero ibang klase ang dating nun.

Habang pinanonood ng iba live ang inaugurasyon ni Noynoy, nanonood ako hinggil sa pag-ibig, mga bampira, at taong-lobo. Ang biro kasi namin, pareho lang naman silang fantasy. Pero siyempre binasa ko ‘yung kabuuan ng pananalita ni Aquino. At nakulangan ako.

Wala ang pangako niya noong kampanya na pag-lalaan ng 6% ng GDP (Gross Domestic Product) ng ating bansa. Pinahapyawan niya ang isyu ng edukasyon, sa pag-banggit sa kakulangan ng mga silid-aralan, pero wala siyang binigay na kongkretong tugon dito. Dadagdagan daw ang pondo ng edukasyon, pero binida ang vocational education bilang alternatiba sa edukasyon sa kolehiyo. Teka, hindi pa polisiya ni Gloria ito?

Pero sige, bawal daw ang kill-joy. Kaya tuloy ang pagdidiwang.

Hunyo a-tres, binuwag ng mga pulis ang kampuhan ng mga magsasaka sa tulay ng Mendiola. Naging mainit na isyu ang reporma sa lupa nung nakaraang eleksyon dahil sa pagiging landlord ni Noynoy. Marahil, naisip ng mga magsasaka na maganda itong pagkakataon para makuha ang atensyon ng publiko sa kanilang mga kahilingan.

42 ang hinuli, dose-dosena ang sugatan, kasama ang mga matatandang babae at mga estudyanteng sumusuporta.

Kill-joy?

Hulyo a-singko, inihahatid ni Federico Baldomero, konsehal sa isang bayan sa Aklan, ang kanyang anak sa paaralan. Tinambangan siya ng isang naka-motorsiklo, patay siya sa dalawang tama sa leeg at ulo. Bakit siya pinatay? Siguro dahil siya ay lokal na lider ng Bayan Muna, ang partidong laging sinisiraan ng military. Sino kaya ang pumatay? Sinampahan na siya dati ng maraming mga kaso ng militar noon, hinggil sa akusasyon na siya ay NPA. Pero ibinasura ito.

Kill-joy? Sabi nga nila, history repeats itself: the first as tragedy, the second as farce. Mukhang naglolokohan lang tayo dito.