Kapag ayaw ng manggagawa
Hindi na bago sa inyo ang kuwento ng isang kompanyang gusto nang tapusin ang panunungkulan ng kanyang mga empleyado. Marami na tayong tinalakay na kontrobersiya kaugnay nang pagtanggal ng kompanya ng mga manggagawa. Ngunit maaaring bago sa inyo ang kuwento ng isang manggagawa na gusto nang umalis sa kompanya ngunit ayaw pa ring bitawan ng kompanya. Ito ang nangyari sa nakaraang kontrobersiya kaugnay ng malawakang pagbitiw ng mga piloto ng Philippine Airlines (PAL).

Wala sanang naging problema kung walang tutol ang kompanya sa pagbitiw ng kanyang mga empleyado. Pero kung tutol ang kompanya, may magagawa ba ang empleyado ?
Ayon sa Art. 285(a) ng Labor Code, maaaring magbitiw sa kanyang tungkulin ang isang empleyado sa pamamagitan ng pagbigay ng sulat sa kanyang kompanya isang buwan o mahigit pa bago ang petsa ng kanyang pag-alis.
Ibig sabihin, kahit walang dahilan ang pag-alis o pagbitiw ng empleyado, maari niya itong gawin basta lamang mayroon siyang advance written notice.
Kung ang empleyado ay umalis sa kanyang trabaho na walang kaukulang abiso, maari ba siyang pilitin ng kompanya na ituloy ang kanyang trabaho?
Ang sagot ay hindi. Tayong lahat ay may karapatan laban sa “involuntary servitude.” Hindi tayo maaring pilitin na magtrabaho laban sa ating karapatan sa kahit anumang dahilan. Ang karapatang ito ay ginararantiyahan ng ating Saligang Batas.
Kung ganun, ano ang puwedeng gawin ng isang kompanya kung ang kanyang manggagawa ay nagbitiw na walang tamang abiso ?
Puwede niya itong pagbayarin ng danyos. Ito lamang ang magagawa ng kompanya.
Ngunit sinasabi rin ng Art. 285 (b ) ng Labor Code na may mga pagkakataong maaaring magbitiw ang isang manggagawa kahit walang tamang abiso o resignation letter na binigay sa kanyang kompanya. Halimbawa, ang manggagawang nakatikim ng matinding pang-iinsulto mula sa kinatawan ng kompanya ay maaari nang umalis sa kanyang trabaho kahit na walang pasabi. Ang hindi makataong pakikitungo sa manggagagawa ay isa ring dahilan na magagamit niya upang magbitiw sa kanyang trabaho na walang abiso. Ganun din kapag nakagawa ng krimen ang kinatawan ng kompanya sa manggagawa o sa sinumang miyembro ng kanyang pamilya. Maaari na kaagad magbitiw sa ang manggagawa kanyang trabaho kahit walang abiso sa kompanya.
Sa kaso ng mga piloto ng PAL, hindi sila maaring pilitin ng kompanya na ipagpatuloy ang kanilang trabaho. Ganun pa man, kung mapapatunayan na walang batayan ang daglian nilang pagbitiw sa kanilang trabaho, maari silang papanagutin ng danyos ng kompanya.
Inaasahan nating matapos nang maaga ang sigalot sa magkabilang panig.