Migrante

Mga Pilipino sa Dubai, bumoto na para sa midterm elections

Mabagal man, umusad na ang isang-buwan na overseas absentee voting para sa mga Pilipino na nasa Dubai. Kaunti lamang ang mga pumunta sa unang araw. Wala pang isang daan sa tinatayang 55,000 ang ang nakaboto sa Konsulada ng Pilipinas sa Dubai. Ngunit “normal” lamang ito, ayon kay Philippine Consul General Frank Cimafranca. “Tiyak na dadami […]

OAV ng mga migrante sa Dubai (Angel Tesorero/PW File Photo)
Isinalang ng isang botante ang kanyang balota sa Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine. Nagsimula na ang OAV sa Dubai. (kuha ni Angel Tesorero)
Isinalang ng isang botante ang kanyang balota sa Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine. Nagsimula na ang OAV sa Dubai. (Angel Tesorero)

Mabagal man, umusad na ang isang-buwan na overseas absentee voting para sa mga Pilipino na nasa Dubai.

Kaunti lamang ang mga pumunta sa unang araw. Wala pang isang daan sa tinatayang 55,000 ang ang nakaboto sa Konsulada ng Pilipinas sa Dubai.

Ngunit “normal” lamang ito, ayon kay Philippine Consul General Frank Cimafranca. “Tiyak na dadami rin sila sa mga susunod na araw ngunit hinihikayat ko an gating mga kababayan na bumoto ng maaga,”

Hinihikayat ni Cimafranca ang pagboto ng maaga para. “Hindi na dapat nila hintayin ang mga huling araw dahil magiging (inconvenient) ito sa lahat,” aniya.

Hanggang Mayo 13 ang nakatakdang panahon para bumoto ng 12 senador at isang party-list para sa midterm elections. Hikayat ni Cimafranca na tupdin ng mga Pinoy sa Dubai ang kanilang tungkuling bumoto at piliin ang nararapat na lider na magtataguyod ng interes at adbokasiya para sa isyu ng mga migrante.

Isa sa mga partido ng mga Pilipino sa ibayong dagat na lumalahok sa eleksiyon ang Migrante Sectoral Party-list (MSP), na aktibong nanghihikaya sa kapwa mga OFW na bumoto.

“Maraming isyu ang dapat agarang harapin tulad ng pagbabasura sa mga pahirap na authentication fee na sinisingil ng Konsulado. Nagagamit ang pondong ito para sa mga visit visa ng kanilang mga kaanak,” saad ni Teresita Apitan, tagapangulo ng MSP sa UAE.

Isinusulong rin ng naturang party-list ang tunay na representasyon sa Kongreso para sa kanilang sektor.

“Gusto naming ng malakas na mga batas na sisiwata sa human trafficking. Gusto rin namin ng mga batas na magbibigay-suporta sa namomoroblemang mga Pilipino tulad ng pagkakaroon ng regular at maaasahang suportang legal at mga magbibigay ng mahusay na stress debriefing,” dugtong ni Apitan.

Kailangan din ng pagtuon sa istranded na mga Pilipino sa Kish, Iran, pati na rin sa paparaming bilang ng contract substitution sa mga Pilipinong manggagawa na may mabababang sahod, pagtatapos ni Apitan.