Magsasaka Main Story

Sa ikalawang taon ng di-pamamahagi sa Hacienda Luisita, mga magsasaka lumusob sa DAR

Nilusob ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa ikalawang taon ng desisyon ng Korte Suprema na nag-uutos na ipamahagi ang libu-libong ektaryang lupain ng asyenda. Iginiit ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita (Ambala) na hindi totoong ipinapatupad ng DAR ang kautusan ng korte. Bagkus, nilulusutan daw […]

Sa ikalawang taon ng desisyon ng Korte Suprema na ipamahagi sa farmer-beneficiaries ang lupa sa Hacienda Luisita, nilusob ng mga magsasaka ng asyenda ang compound ng Dep't. of Agrarian Reform. Bogus umano ang reporma sa lupa ng gobyerno. Hanggang ngayon, di pa rin ipinapatupad ang desisyon ng korte. Macky Macaspac
Sa ikalawang taon ng desisyon ng Korte Suprema na ipamahagi sa farmer-beneficiaries ang lupa sa Hacienda Luisita, nilusob ng mga magsasaka ng asyenda ang compound ng Dep’t. of Agrarian Reform. Bogus umano ang reporma sa lupa ng gobyerno. Hanggang ngayon, di pa rin ipinapatupad ang desisyon ng korte. Macky Macaspac

Nilusob ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa ikalawang taon ng desisyon ng Korte Suprema na nag-uutos na ipamahagi ang libu-libong ektaryang lupain ng asyenda.

Iginiit ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita (Ambala) na hindi totoong ipinapatupad ng DAR ang kautusan ng korte. Bagkus, nilulusutan daw ng pamilyang Cojuangco ang pamamahagi at muling inaagaw ang mga lupain sa pamamagitan ng pagbabakod at pananagasa sa mga lupaing agrikultural na dapat ipinamamahagi.

Umabot ng halos apat na oras ang pag-okupa ng mga taga-Hacienda Luisita sa compound ng DAR, pero hindi sila hinarap ng mga opisyal ng DAR.

Patuloy ang paglaban ng mga magsasaka ng asyenda sa presensiya ng mga militar at armadong tulisan ng pamilyang Cojuangco-Aquino. Macky Macaspac
Patuloy ang paglaban ng mga magsasaka ng asyenda sa presensiya ng mga militar at armadong tulisan ng pamilyang Cojuangco-Aquino. Macky Macaspac

“Napakalala ng sitwasyon namin ngayon sa ilalim ng pangulong asyendero,” ani Florida Sibayan, tagapangulo ng Ambala.

Sinabi pa ni Sibayan na sa ilalim ni dating Pang. Corazon Aquino, pekeng reporma sa lupa na Comprehensive Agrarian Reform Program at Stock Distribution Option ang ipinatupad. Ngayon naman, sa panahon ni Pang. Benigno Aquino III, mga bulldozer, sanggano at mga puwersa ng estado ang ikinalat sa asyenda.

“Ginawang garison ang mga taniman at lupaing agrikultural. Namamayani ang takot sa Hacienda Luisita,” aniya.

Dismayado naman si Anakpawis Rep. Fernando Hicap sa hindi pagharap ng mga opisyal ng DAR sa mga taga-asyenda.

“Talagang hungkag ang reporma sa lupa ng gobyerno. Hindi talaga sinsero si Sec. Virgilio de los Reyes na tugunan o ipatupad ang desisyon ng Korte Suprema,” sabi ni Hicap, sa panayam ng Pinoy Weekly.

Dalawang taon na

Noong Abril 24, 2012, inutos ng Korte Suprema na ipamahagi ang 4,335 ektaryang lupain.

Pero may 6,453 ang ektaryang saklaw ang asyenda. Umabot sa 4,915 ektaryang lupang agrikultural lamang ang idineklara ng pamilyang Cojuangco-Aquino na napasailalim sa CARP noong 1989.

Mula sa natirang ektarya, ibinawas pa ang aprubadong 500 ektarya para sa land use conversion kasama at ang 80.5 ektarya ng Subic Clark Tarlac Expressway.

Ipinag-utos ng korte na bayaran ang mga magsasaka ng Php1.33 Bilyon na mula sa pinagbentahan ng mga lupa ng Hacienda Luisita, Inc.

“Kasama sa kautusan ng korte na bayaran ang mga magsasaka at maghanap pa ng ibang lupang maaaring ipamahagi,” sabi ni Hicap.

Pero sa halip na madagdagan daw ang ipapamahagi, sinasaklaw pa ng mga korporasyon ang mga lupang dapat na kasama sa land distribution. Wala ring aktuwal na pamamahagi ng lupa at Certificate of Land Ownership Award lamang ang ibinibigay.

“Ang problema, dalawang taon na ang desisyon, wala pa ring nangyayari. Bagkus, landgrabbing ang ginagawang ng Tarlac Development Corp. (Tadeco),” sabi pa ni Hicap.

Tagong titulo

Dagdag pa nadiskubre ng Ambala na may itinatagong mga titulo ng mga lupang agrikultural ang Tadeco para maiwasan na ipamahagi sa mga magsasaka.

“Ginagamit ng Tadeco ang mga titulong ito para hindi masaklaw sa CARP. Aabot sa walong titulo ito na halos mahigit 1,000 ektaryang lupang agrikultural,” dagdag ni Hicap. Sabi niya na malinaw na ilegal ito at lumalabag sa land reform program ang Tadeco.

Isinampa ng grupo sa DAR ang reklamo laban sa Tadeco, kalakip ang mga titulong itinago raw ng kompanya. Ito rin ang mga lupang sinasaka ngayon ng mga magsasaka na binabakuran naman ng Tadeco.

“Ginawa na namin ang lahat. Lumapit na kami sa mga ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Justice at kahit dito sa DAR. Pero wala pa ring kasagutan sa mga panawagan namin at mungkahi kung paano ipapamahagi ang lupa,” ani Sibayan. Ang tanging pag-asa na lang daw nila, mapaalis si Aquino sa puwesto.

Ayon naman sa Malakanyang, tinitiyak daw ng gobyerno na maipapatupad pa rin ang desisyon ng Korte Suprema na ipamamahagi ang Hacienda Luisita.

Ilang larawan ng pag-okupa ng mga magsasaka at tensiyon sa DAR:

Macky Macaspac
Macky Macaspac
Macky Macaspac
Macky Macaspac
Tinangka ng guwardia ng DAR na hulihin ang isa sa mga nagprotesta. Macky Macaspac
Tinangka ng guwardia ng DAR na hulihin ang isa sa mga nagprotesta. Macky Macaspac
Sinunog ng mga magsasaka ang imahen nina Pangulong Aquino, ang tiyuhan niya at isa sa mga umaangkin sa Hacienda Luisita na si Peping Cojuangco, at ang kapatid ng pangulo, artista at bahagi ng Hacienda Luisita Inc. na si Kris Aquino. Macky Macaspac
Sinunog ng mga magsasaka ang imahen nina Pangulong Aquino, ang tiyuhan niya at isa sa mga umaangkin sa Hacienda Luisita na si Peping Cojuangco, at ang kapatid ng pangulo, artista at bahagi ng Hacienda Luisita Inc. na si Kris Aquino. Macky Macaspac