Sa isang press conference sa kanilang kampuhan sa Liwasang Bonifacio, Maynila, muling nananawagan ang mga lider-Lumad ng Manilakbayan ng Mindanao sa 55 batalyon ng militar na umalis na sa kanilang mga komunidad at itigil ang pagpoprotekta sa pamanira at malawakang pagmimina ng dayuhang mga kompanya. Nagdudulot umano ang militarisasyon ng malawakang paglabag sa kanilang mga karapatang pantao katulad ng pagpatay sa mga sibilyan, pananakot, pagkampo sa mga eskuwelahan at pagsampa ng gawa-gawang mga kaso laban sa mga lider nila. Mula kaliwa: Datu Indao, Gemilo, Datu Guaynon, Lantao at Aba. Boy Bagwis
Sa isang kilos-protesta sa Quezon City matapos ibaba ang hatol ng Malolos RTC sa kaso nilang magkapatid, sinabi ng Raymond Manalo na hindi pa natatapos ang kanilang laban para sa hustisya.
“Malinaw na ang pagdukot ng gobyerno kina Castro at Tamano ay tangka upang patahimikin ang mga environmental defender at takutin ang mga mangangahas na magsalita laban sa mga mapanirang proyektong pangkaunlaran,” wika ni Caritas Philippines president at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa isang pahayag sa Ingles.
Sa kabila ng harassment at banta sa seguridad, nananatiling nanindigan sa kanilang mga prinsipyo sina Castro at Tamano. Para sa sambayanang patuloy na lumalaban, malaking inspirasyon ang tapang na ipinakita ng dalawa.
Tumangging tumulong ang mga miyembro ng PNP at kahit daw ang blotter. Hindi raw muna papayagan sapagkat kailangan pa raw kausapin ng mga sundalo, intelligence at ng kanilang hepe ang nanay ng nawawala.