Nagpiket at nakipagdiyalogo ang Salinlahi Alliance for Children's Concerns sa Department of Education para hilingin na makialam ang DepEd sa sapilitang paglikas ng mga esutydanteng Manobo sa kanilang eskuwelahan sa Lianga, Surigao del Sur na inokupahan na ng 58th Infantry Battalion ng Army. Isang batang estudyante ang tinututukan ng laruang baril ng isang nagpapanggap na sundalo para isimbolo ang militarisasyon sa Lianga. (Contributed Photo / Salinlahi)
Sa ilalim ng inaprubahang panukala, mula sa kasalukuyang four-quarter system, magiging tatlo na lang ang hati ng isang pang-akademikong taon. Mababawasan ng isang siklo ng pagrado, pero hahaba ang kada term.
Sa ulat ng Commission on Audit, 192 lang sa target na 6,379 na bagong classroom ang natapos ipatayo noong nakaraang taon. Sa pagsasaayos ng mga classroom, 208 lang ang natapos sa target na 7,550 na repair.
Sa pagbubukas ng klase, maraming paaralan ang hindi nakasabay dahil sa pinsala mula sa bagyo at baha. Kasabay ng mga pagbabago sa kalendaryo at bagong Matatag Curriculum, mas lumalala ang mga problema sa sektor ng edukasyon na lalong pahirap sa mga guro, estudyante at magulang.
Ayon sa Alliance of Concerned Teachers, kailangan ang P50,000 entry-level pay para sa mga guro at P33,000 para mga kawaning nasa Salary Grade 1 upang makaagapay sa tumataas na presyo.