Bumoto si Sen. Mar Roxas, kandidato sa pagka-pangalawang pangulo ng Liberal Party, sa Rufina Andrada Santos Memorial School sa Roxas City, Capiz. Si Roxas ang nangungunang kandidato sa pangka-pangalawang pangulo, kung paniniwalaan ang mga sarbey. (Kontribusyon)Bumoto si Loren Legarda, kandidato sa pagka-pangalawang pangulo ng Nacionalista Party, sa Potrero Elementary School sa Malabon, Manila, umaga ng Mayo 10, 2010. (Kontribusyon)
Bagong administrasyon, bagong pag-asa. Bagong Pilipinas pa nga, sabi ng iba. Matapos ang siyam na taong panunungkulan ng isang Pangulong kinamuhian ng mayorya ng mga mamamayan (at maraming survey na magpapatunay sa puntong ito), nakaluklok ngayon sa puwesto ang bagong Pangulong malinaw na may suporta ng mahigit 14 na milyong botante noong nakaraang halalan.
Hindi naging biro para sa masang Pilipino ang pinagdaanang kahirapan at panunupil sa loob ng siyam na taon ng isang pangulong sagad at lantaran ang korupsiyon, pandaraya, pasismo, at kasama ng mga kontra-mamamayang mga polisiya ay naglugmok ng bansa sa pinakamatitinding krisis pang-ekonomiya at pampulitika.
Posible nga ba ang pre-programming ng PCOS machines at/o ng CF cards para pumabor sa isang kandidato noong nakaraang eleksiyon, tulad ng alegasyon ng impormante ni Prop. Jose Maria Sison? Dalawang eksperto sa IT ang nagpapatotoo.