Tony La Viña

Tony La Viña

Isang lider, guro, manunula at abogado si Tony La Viña. Tatlong dekada na siyang manananggol ng karapatang pantao, lalo na ang karapatan ng mga katutubo. Isa rin siyang kilalang climate at environmental justice advocate hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Isinilang at lumaki sa Mindanao si Dean Tony. Nagsusulat din siya para sa Rappler, Manila Standard, at Mindanews. Siya ang kasaluluyang tagapangulo ng Board of Trustees ng Pinoy Media Center at Lead Convenor ng Movement against Disinformation.

Bilanggong politikal sa bagong Pilipinas

Ayon sa datos ng Karapatan nitong Hunyo, mayroong 778 na bilanggong politikal sa Pilipinas. Sa mga ito, 49 ang hinuli sa kasalukuyang administrasyon. Maraming Pilipino ang ikinukulong dahil sa kanilang mga politikal na paniniwalang salungat sa gobyerno.

Ang kuwentong desaparecidos

Hindi bago ang sapilitang pagkawala o enforced disappearance sa Pilipinas. Sa katunayan, ilang dekada na nating dinadanas ang kuwentong ito nang paulit-ulit. Mula sa wikang Español, unang ginamit ang salitang “desaparecidos” sa Latin America noong Cold War dahil maraming dinudukot bilang paraan ng politikal na panunupil. Ang paglahok naman ng mga puwersa ng estado sa […]

Ang nagbabadyang Cha-cha

Mayroon naman talagang mga kailangan baguhin at isama dito gaya ng anti-political dynasty provision, pagiging hiwalay na constitutional commission ng Commission on Human Rights, pagbago ngunit hindi pagbuwag ng party-list system upang matugunan nang mas mabuti ang tunay at inclusive representation at pagpapalawak ng Bill of Rights para maging bahagi nito ang socio-economic at cultural rights. Ngunit duda ako na magbibigay ng progresibong Cha-cha ang Con-con na pangungunahan ng mga delegadong ihahalal mula sa mga distrito.

Makatarungang pagbabago para sa mga jeepney driver

Lumitaw na naman ang mga problemang kaakibat ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) dahil sa nakaraang welga ng mga jeepney driver. Ilan sa mga problema ang kakulangan ng suportang pinansyal para sa mga tsuper na maaapektuhan ng programa at ang hindi accessible na pampublikong transportasyon dahil sa mga prangkisa at fleet management.

Pakikibaka para sa Masungi

Hindi pa tapos ang laban ng Masungi. Kamakailan, mayroon na namang lumitaw na gustong gamitin ang georeserve. Noong ika-17 ng Pebrero, sinabi ni General Gregorio Catapang, Bureau of Corrections (BuCor) acting Director, na gagamitin ang Masungi para sa bago nilang headquarters.

Hindi terorismo ang pag-aaruga

Paano magiging terorista ang isang health care worker at human rights defender kung tinatawag sila ng mga identidad na ito napagsilbihan ang masa? Bakit tinatawag ng estado na terorista ang isang doktor na nagbibigay atensyon sa mga nasa laylayan?