Boy Villasanta

Ang koneksiyon ng kamatayan ni Carmen Ronda kay Manny Pacquiao

Nanalo si Manny Pacquiao sa laban pero natalo naman si Carmen Ronda sa pakikipagtunggali sa malalang karamdaman. Naigupo ni Manny si Antonio Margarito sa desisyon ng mga hurado samantalang nabali ng kamatayan ang hininga ni Carmen Ronda. Idolo ng bagong milenyo si Pacquiao at diyosa ng kagandahan at kaseksihan si Carmen noong dekada sitenta. Magkahiwalay […]

Patuloy na nabubuhay ang pelikulang Filipino

Kung sinuman ang nagsasabing patay na o kaya’y naghihingalo ang pelikulang Filipino ay isang hangal. Nagtataka nga ako kay Celso Ad. Castillo nang makakuwentuhan ko lang noong Sabado ng gabi sa kanyang bahay sa Siniloan, Laguna at sabihin niyang “there’s no more movie industry.” Ano ba ‘yan? Baka ‘yong nakasanayan niyang linggo-linggo ay may ipinalalabas […]

Anong magagawa ni Jolo Revilla bilang batang pulitiko?

Sa isang bansang itinuturing na mahalaga at impluwensiya ang pamamarali sa pulitika, ang pagwawagi ni Jolo Revilla bilang isang kapitan ng barangay sa Cavite ay malaking pagdalumat. Kahit nga inaaring mababa at maliit lang ang posisyon ng isang barangay captain sa pananaw sa pangkalahatang pagkakahalayhay ng kapangyarihan at kone-koneksyon ng iba pang inihahalal na opisyal […]

Ipinagmamalaki ni Rico J. Puno, malakas ang kanilang “Pilipinas Win na Win”

LAHAT ay gagawin ng Hitmakers, ang katipunan mga mga bituin at mang-aawit na sina Rey Valera, Marco Sison, Rico J. Puno at Nonoy Zuñiga, para mangibabaw at manguna ang kanilang programang pantanghalian na “Pilipinas Win na Win” sa ABS-CBN upang maipakita sa lahat na sila ay maraming tagapanood at tagatangkilik sa kanilang pagsasama nang araw-araw […]

Ang pagpapalit kay Kris Aquino sa “Pilipinas Win na Win”

May malaking pagbabagong nagaganap sa noontime show na “Pilipinas Win na Win” ng ABS-CBN. Wala na si Kris Aquino sa programa. Ayon sa Corporate Communications ng kumpanya sa pamumuno ni Ramon “Bong” Osorio, mula noong Biyernes, ika-1 ng Oktubre, 2010 ay wala na si Kris sa palatuntunan. Sinibak nga ba si Aquino o kusang nagbitiw? […]

Maria Venus Raj vs. Krista Arrieta Kleiner

May tensiyong namumuo sa pagitan ng 4th runner-up 2010 Miss Universe na si Maria Venus Raj at ang kinatawan ng Pilipinas sa 2010 Miss International na si Krista Arrieta Kleiner. At hindi lang namumuo kundi namuo na. Ito ay dahil sa nang maakusahan si Maria Venus na mali at may disprensiya ang kanyang papeles ng […]

Ang Pinoy showbiz sa linggong ito

Patuloy ang pag-imbulog ng mga kasaysayan sa showbiz sa Pilipinas at pangunahin ang pakikipagbahagi ni Nora Aunor sa Kapistahan ng Our Lady of Peñafrancis ng Kabilokan na kahit na siya ay wala sa Pilipinas ay nakikipagsaya at nakikipag-ispiritwal na pagdaloy siya sa okasyong ito. Pagkatapos ng kanyang mga palabas sa tatlong malalaking siyudad sa Australia […]