Ilang-Ilang D. Quijano

Ilang-Ilang D. Quijano is former executive director of PinoyMedia Center, Inc. and former editor of Pinoy Weekly. She is a documentary filmmaker and part of AlterMidya-People's Alternative Media Network. Ilang earned her masters degree in journalism at the Ateneo de Manila University Konrad Adenauer Asian Center for Journalism.

Komitment ng progresibong artista ng daigdig

Ipinagtibay ng mga artista mula sa mga disiplina ng musika, sayaw, pelikula, literatura, pamamahayag, sining-biswal, at teatro ang kanilang papel sa paghubog ng lipunan ng kinabukasan.

RH Bill na di kumokontrol sa populasyon, sinuportahan

Isang araw bago ang huling plenaryo ng ika-15 na Kongreso, nagpahayag ng suporta ang iba’t ibang sektor para sa isang “maka-mahirap,” “maka-kababaihan,” at “maka-kalusugan” na Reproductive Health (RH) Bill na wala sa balangkas ng pagkontrol sa populasyon bilang sagot sa kahirapan. Sa isang piket sa harap ng House of Representatives, inihayag ng kababaihan, kabataan, manggagawa, […]

1st National Congress of OFWs and Families, sinugod ng mga demonstrador

Dinahas ng mga guwardiya ng SM Mall of Asia sa Pasay City ang mahigit 30 na Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga pamilya na nagsagawa ng demonstrasyon laban sa programang pautang ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na inilunsad sa 1st National Congress of OFWs and Families. “Grabe ang tulakan, ilan sa amin ang […]

Mga atake sa kilusang paggawa

Sa pamamagitan ng mga batas, polisiya at desisyon ng nakaraan at kasalukuyang mga rehimen, unti-unting natapyasan ang kakayahan ng mga manggagawa na ipagtanggol ang kanilang mga karapatan. Pero may lakas ang manggagawang Pilipino para pangunahan ang makabuluhan at malawakang pagbabago ng lipunan.

Opisina ng Regional Wage Board, sinugod ng mga manggagawa

Tatlong araw bago ang Araw ng Paggawa, sinugod ng mahigit 50 manggagawa ang opisina ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) sa Maynila, bahagi ng tinagurian nilang ‘National Day of Action’ laban sa Regional Wage Boards (RWBs). “Nagngangalit kami dahil nais ng administrasyong Aquino na ikahon sa RWBs ang mga deliberasyon para sa panawagan naming […]