Jeffrey Ocampo

Tunay na SONA ng maralita

Mula sa kanilang mga komunidad maaaninag ang tunay na lagay ng bayan. Sa isinagawang SOUP o State of the Urban Poor, isiniwalat ang “halos siyam na taong pagkakait ni Pangulong Arroyo sa taumbayan ng batayang mga pangangailangan tulad ng pagkain, tirahan at serbisyo.”

Tagumpay ng mga bida ng lansangan

Kaya naman palang puwersahin ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo. Umano’y simula pa lamang ang tigil-pasada noong Hulyo 13 ng mga pagkilos para labanan ang overpricing ng Big Three at iba pang pahirap sa mga tsuper.

Paalam, Ka Wilson

Hinatid na sa kanyang huling hantungan si Wilson Fronda Baldonaza o mas kilala bilang Ka Wilson. Lider at edukador ng obrero, pumanaw siyang nasa unahan ng laban ng manggagawa at sambayanan para sa demokrasya at lipunang malaya.

Resesyon, titindi dahil sa Con-Ass

Nasa bingit na ng resesyon ang Pilipinas. Sa tangka sa Kamara na tipunin ang Constituent Assembly, lalo pang malalagay sa alanganin ang tagibang nang ekonomiya at patitindihin ang sigalot sa pulitika sa bansa.

Beep, beep, beep: Busina ng tsuper laban sa pagmamalabis

Bahagi umano ng pagdidisiplina sa mga tsuper ang pagmumulta tuwing lalabag sila sa mga batas trapiko. Ang pagtaas ng iba pang bayarin, bahagi naman ng pagpapaunlad ng sektor ng transportasyon. Ngunit bakit ba umaalma ang mga tsuper sa anila’y “panggagatas” sa kanila ng pamahalaan?

Militarisasyon sa Tondo, lalong tumitindi?

Matagal nang usapin ang militarisasyon ng kalunsuran. Unipormado’t madalas ay naka-full battle gear ang mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan. Paparami ang kanilang bilang habang nadaragdagan ang mga kasong kinakasangkutan nila sa mga lugar gaya ng Tondo, Maynila.

Sa karapatang pantao, nakamasid pa rin ang mundo

Hindi lamang mga Pilipino ang nakakapansin na nagpapatuloy ang mga kaso ng ekstra-hudisyal na pamamaslang at tortyur. Sinisingil pa rin ng internasyunal na komunidad ang umano’y dahas at kawalang pananagutan ng pamahalaang Arroyo.