Avatar

Jeffrey Ocampo

Pagsipat sa papalapit na halalan

Palapit na nang palapit ang halalang 2010. Kabi-kabila na ang paghahanda ng iba’t ibang partido politikal at mga indibiduwal na nais maging sunod na pangulo ng bansa. Ngunit sa pagkakataong ito, ano nga ba ang mananaig: rekurso’t personalidad pa rin ba o platapormang nakabatay sa kahilingan ng taumbayan?

Pagsagip sa naaanod na pag-asa

Nakaupo at matiyagang naghintay si Amy Golocado o Nanay Amy, 67, sa Delpan Complex para sa damit at pagkaing ipapamahagi ng Citizens’ Disaster Response Center (CDRC) noong nakaraang linggo sa mga residente ng Tondo. Isa ang lugar sa mga lubhang naapektuhan ng bagyong Ondoy. Nakatirik ang kanyang bahay sa ibabaw ng katubigan ng Baseco. Kwento […]

Manggagawa ng Wyeth, tuloy-tuloy ang protesta

Tuloy-tuloy sa pagsasagawa ng kilos-protesta ang mga manggagawa ng Wyeth Philippines dahil sa umano’y pananahimik ng manedsment ng kompanya sa gitna ng matinding banta ng tanggalan. Pinapangunahan ang mga kilos-protestang ito ng Wyeth Philippines Progressive Workers Union (WPPWU). Noong Agosto 26, daang mga manggagawa na nakasuot ng pula sumugod sa tanggapan ng kompanya sa Pasong […]

Utang ng gobyerno sa Philhealth, sisingilin ng manggagawa -KMU

Muli na namang inani ng gobyernong Arroyo ang galit ng mga manggagawa dahil sa lumobong utang nito sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth), ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU). Sinabi ni Nerissa Santiago ng Philhealth sa pagdinig sa Senado noong Agosto 19 na umabot na sa P19.2 bilyon ang utang ng Department of Budget and […]

Pakikipagsapalaran ng mga katutubo

Ipinagdiwang kamakailan ang International Day of the World’s Indigenous Peoples. Sa Pilipinas, kaugnay ng pagdiriwang na ito na pagsusulong ng mga katutubo sa kanilang karapatan sa lupang ninuno at paglaban sa tumitiding panunupil.

Maralita, umalma sa pagwaldas ng US$20,000 ng pangulo

Umalma ang mga maralitang lunsod sa napabalitang paggastos ng US$20,000 ni Pangulong Arroyo, Unang Ginoo Mike Arroyo at mga kasamahan para sa kanilang hapunan sa Le Cirque, isa sa pinakamahal na restawran sa lunsod ng New York. Ayon sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), aabot sa 5,760 maralitang pamilya ang kayang pakainin mula sa halagang […]