Jeffrey Ocampo

Sa paggunita sa unang taon ng pagpanaw ni Ka Bel

Isang taon na ang nakalilipas mula nang pumanaw si Crispin “Ka Bel” Beltran. Nag-iwan siya ng mga alaala at legasiya bilang lider-obrero’t mambabatas na nagpatuloy lumaban para sa kagalingan ng mga manggagawa at iba pang naghihirap na sektor hanggang sa kanyang huling hininga.

Panahon upang managot ang pilit nagbabalatkayo

Inaprubahan kamakailan ng Malakanyang ang kabuuang halaga na P25 Milyon na ilalaan umano bilang pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon hinggil sa nasa likod ng pamamaslang, pandurukot at sapilitang pagkawala ng mga aktibista, mamamahayag at tagasimpatya ng makabayang kilusan. Hinihikayat din ng pangulo na magbigay ang mga mambabatas ng P250,000 mula sa kani-kanilang Countrywide Development Fund […]

Kaso laban kay Atty. Saladero, iba pang aktibista, ibinasura

Ibinasura ng Batangas Provincial Prosecution ang kasong arson at destruction of property laban sa labor lawyer, chief legal counsel ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at kolumnista ng Pinoy Weekly na si Atty. Remigio Saladero Jr. at 26 na mga aktibista sa Timog Katagalugan. Kaugnay ang nabanggit na mga kasong sinampa ng Globe Telecom sa pagpapasabog […]

Rep. Joel Maglunsod ng Anakpawis

Haligi si Joel  “Jomag” Maglunsod ng kilusang paggawa sa Katimugan. Umaabot na ng halos apat na dekada ang kanyang paglilingkod sa mga manggagawa at anakpawis. Bagama’t isang taon na lamang at halalan nang muli, sabi niya’y ilalaan niya ang maiksing panahon na ito sa pagsusulong ng mga reporma at panukalang batas na magtitiyak sa kagalingan […]

Kailan mapapasakanila ang lupang inaasam?

Sila ang nagbigay-buhay sa dating damuhang lupain sa Brgy. Irisan, isang bulubunduking bahagi ng Baguio City. Pinalalayas sila ngayon ng pribadong may-ari raw ng lupa. Pero hindi sila pagagapi.

Bisita sa Vitas

Kung paglilimian, maaaring isipin na guguho anumang oras ang Katuparan kasama ng pangarap ng mga residente nito sa disenteng panirahan.

Pagkakaisa ng mga manggagawa sa gitna ng krisis pampinansiya

NAGSIMULA ang taon sa malawakang tanggalan ng mga manggagawa sa iba’t ibang export-processing zone (EPZ) at industrial park (IP) sa buong Pilipinas. Tuluyan na umanong sinalanata ng pandaigdigang krisis pampinansiya ang ekonomiya ng bansa kaya naman lubos na apektado ang lokal na mga negosyo’t mga manggagawa nito. Ito ay sa kabila ng pagmamalaki ng pamahalaang […]