Macky Macaspac

Macky Macaspac

Macky Macaspac is a writer and photojournalist.

Resolusyon sa Spratlys: Diplomasya, di arogansiya

Probokatibo pa rin ang tindig ng gobyernong US (at siyempre pa, Pilipinas) sa sigalot sa Spratlys, matapos magdaos ng ng ehersisyong nabal sa Palawan, malapit sa mga islang pinag-aagawan. Ayon sa mga eksperto, dapat lamang ipaglaban ang Spratlys. Pero hindi sa aroganteng paraan ng US at ni PNoy.

Bayaning makakalikasan bibigyan ng parangal

Inilunsad ng mga grupong makakalikasan ang ikalawang Gawad Kalikasan, isang okasyon ng pagkilala sa pitong mga bayaning Pilipino ng kalikasan.  Sila ang mga indibidwal, organisasyon o komunidad na walang pag-iimbot sa pangunguna o pangunahan ang mahahalagang pakikibaka para sa kalikasan at para sa proteksiyon ng mga batayang karapatan. Pangunahing inorganisa ng Center for Environmental Concerns […]

GMA sinampahan ng kasong sibil ng simbahang Protestante

Sinampahan ng kasong sibil si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP) sa Quezon City Regional Trial Court (RTC). Pinagunahan ni Bishop Reuel Marigza, pangkalahatang kalihim ng UCCP, ang reklamo kasama ang anim na kaanak ng mga biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang sa panahon ng panunungkulan ni Arroyo. Hinihiling […]

P125 dagdag-sahod suportado ni Pacquiao

Suportado ng Pambansang Kamao ang panukalang P125 across-the-board wage hike para sa mga manggagawa. Para sa mga manggagawa, malaking bigwas ito laban sa pambubusabos at pagmamaramot ng mga kapitalista. Malakas na bigwas ito laban sa barya-baryang COLA na abuloy ng administrasyong Aquino.

May angking kakayahan, kahit walang industriya

Mahusay magkumpuni at maghasa ang mga manggagawang Pinoy na tulad nito ng mga kagamitang gawa sa bakal, tulad ng lagari. Walang sariling industriya ng bakal ang bansa, kahit mayaman ito sa rekursong mina ang bansa. Pero ipinapakita ng mga manggagawang Pinoy na may kakayahan sila na balikatin ang pambansang industriyalisasyon ng bansa, kung seseryosohin lang ito ng gobyerno. (Macky Macaspac)

Malawakang demolisyon sa mga komunidad ipinrotesta

Nawalan na ng bisa ang moratoryo ni Pangulong Noynoy Aquino sa demolisyon ng mga bahay ng mga maralita sa Kamaynilaan. Parang asong ulol na dinagsa ng mga pulis, demolition teams at tauhan ng mga lokal na pamahalaan ang mga komunidad ng mga maralita. Nitong Lunes, Mayo 30, rumesbak sila, sa pamamagitan ng protesta.

Mga dating bilanggong pulitikal, tinuligsa ang espesyal na pagtrato sa mayayamang bilanggo

Tinuligsa ng Samahan ng Ex-detainees Laban sa Detensyon at Aresto (Selda) ang pagbibigay ng ispesyal na prebilihiyo sa mga mayayamang bilanggo na nakakulong sa National Bilibid Prisons at sa Camp Bagong Diwa, Taguig City tulad ng nababalitang pagtrato sa mga suspek sa masaker sa Ampatuan at kay dating gobernador Antonio Leviste. Ayon kay Bonifacio Ilagan, […]