Pinoy Weekly Staff

‘Brigada Kaldero’ inilunsad laban sa mataas na presyo ng pagkain, langis

Inilunsad ng grupong Bantay Bigas noong Mayo 20 ang “Brigada Kaldero,” isang serye ng mga protesta laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pagkain at produktong petrolyo. Ayon kay Lita Mariano, tagapagsalita ng Bantay Bigas, hindi mapagpasyang umaaksiyon ang administrasyong Aquino sa pagtaas ng presyo ng langis na nagresulta sa pagtaas ng presyo […]

Tuition moratorium, sinuportahan ng OFWs

Sinuportahan ng pandaigdigang alyansa ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) ang panawagan para sa tuition moratorium sa gitna ng pag-apruba ng Commission on Higher Education (Ched) sa siyam na porsiyentong pagtaas ng singil sa matrikula sa 282 unibersidad at kolehiyo sa buong bansa. Ayon kay Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante International, kabilang ang mga OFW […]

Jinkee atbp. kababaihan, may karapatan sa RH na di limitado sa kontraseptibo –Gabriela

Sa gitna ng mainit na debate sa Kongreso hinggil sa Reproductive Health (RH) Bill, inilinaw ng grupong Gabriela at mambabatas ng Gabriela Women’s Party-list na higit pa sa usapin ng artipisyal na mga kontraseptibo ang karapatan sa reproductive health ng kababaihan, lalo na ng mahihirap. “Asserting women’s full access to reproductive health services and programs […]

Minimum na sahod, iginiit ng OFW atbp. migrante sa Hong Kong

Hong Kong–Kabilang ang mga Overseas Filipino Worker sa libu-libong mga migranteng manggagawa na nagdiwang ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa, sa pamamagitan ng pagdaos ng isang kilos-protesta para igiit ang pagsama sa kanila sa Statutory Minimum Wage Law ng nasabing bansa. Sa kasalukuyan, hindi kasama sa binibigyan ng minimum na sahod ang mga foreign domestic worker […]

Katotohanang di mapasusubalian

Sa mga manggagawa at mamamayang naghihirap, hindi na debate pa kung kailangang itaas ba o hindi ang sahod ng mga manggagawa, at kung bakit dapat kontrolin ang presyo ng batayang mga produkto kabilang ang langis.

Kababaihan, umalma sa kontrol sa populasyon bilang solusyon sa kawalang-trabaho

Umalma ang kababaihang grupo na Gabriela sa anunsiyo ng Department of Labor and Employment (DoLE) na magpapatupad ito ng polisiya ng population control o pagkontrol sa populasyon para solusyunan ang kawalan ng trabaho at kahirapan sa bansa. Sa pagbubuo ng Philippine Labor and Employment Plan (PLEP) para sa 2011-2016 ng administrasyong Aquino, lumalabas na kontrol […]

KMU: Dagdag-sahod ng RWB, P26 lang ang pinakamataas sa kasaysayan

Inihayag ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na hindi ito makikipagkompromiso sa iginigiit na legislated na dagdag-sahod, kaya’t hindi magsasampa ng petisyon sa mga Regional Wage Board (RWB). Kahapon, inanunsiyo ng RWB sa Metro Manila na didinggin nito ang mga petisyon para sa dagdag-sahod. Ngunit ayon sa KMU, sa kasaysayan ay hindi pa lumalampas sa P26 ang […]