Pinoy Weekly Staff

OWWA, ipinagkait ang financial assistance sa mga manggagawa mula Madagascar

Inireklamo ng mahigit 300 na Overseas Filipino Worker (OFW) ang patuloy na pagkakait sa kanila ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa P10,000 financial assistance, matapos sapilitang mapauwi dahil sa epidemikong malaria sa Madagascar. Ngayong araw, muling dumagsa ang mga manggagawa sa tanggapan ng OWWA sa Pasay City para singilin si OWWA Administrator Carmelita Dimzon […]

Matapos ang 7 buwan, labi ng pinaslang na OFW ‘di pa rin naiuuwi

Isang babaing Overseas Filipino Worker (OFW) ang hindi pa rin naiuuwi ang mga labi, pitong buwan matapos paslangin sa kusina ng kanyang employer, ayon sa grupong Migrante-Middle East. Dahil sa umano’y kawalan ng aksiyon ng gobyerno, nananatili sa King Fahad Hospital sa Al-Khobar, silangang bahagi ng Saudi Arabia, ang 22-anyos na si Romilyn Eroy-Ibanez. Noong […]

‘Walang ginhawa sa barya’

Hindi kumbinsido ang Kilusang Mayo Uno sa "baryang" dagdag sa Ecola na pinag-iisipan pa nga lang na ialok ng gobyernong Aquino sa mga manggagawa. Sa huling sampung taon, grabe ang itinaas ng presyo ng langis at mga bilihin. Sa kabila nito, walang dagdag-sahod na ibinigay ang gobyerno na makakatulong sa mga manggagawa.

Pang-aabuso sa bata sa Willing Willie kinondena ng Gabriela

Mariing kinondena ng Gabriela ang insidente sa Willing Willie noong Marso 12 na nagpapakita sa isang anim na taong batang lalaki na paulit-ulit na pinasasayaw habang umiiyak. Ayon sa grupo isang akto ng pang-aabuso sa bata ang nangyari na ipinalabas sa lokal na telebisyon. Nauna nang hinarap ni Willie Revillame, host ng naturang palabas, ang […]

Protesta kontra oil price hike, paglaban sa kahirapa’t pambubusabos

Nagpamalas ng pagkakaisa ang iba't ibang sektor sa iba't ibang probinsiya ng bansa para ihayag ang pagkondena sa walang puknat na taas-presyo ng langis. Ngunit simula pa lamang ito, ayon sa Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan o KPMM. Determinado silang lalong paigtingin ang mga protesta laban sa tumitinding kahirapan sa bansa at anila'y tumitindi ring pambubusabos sa mga manggagawa at mga mamamayan.

Diskuwento sa PUVs, ‘di sapat –Anakbayan

Hindi sapat ang P3 diskuwento para sa Public Utility Vehicles (PUVs) na pinaplano ng Department of Energy bilang tugon sa tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, ayon sa grupong Anakbayan. Sinimulan ng mga kabataan ngayong araw ang mga noise barrage sa iba’t ibang bahagi ng Maynila at Quezon City bilang suporta sa […]

Sa pagbitay sa 3 OFW drug mules: Gobyerno, ‘dapat magising’

Inihayag ngayon araw ni Gabriela Rep. Luz Ilagan na dapat magsilbing “wake-up call” para sa gobyernong Aquino ang nakatakdang paggawad ng parusang kamatayan sa tatlong Overseas Filipino Worker (OFW) sa Tsina sa Marso 30. “Nakakalungkot ang balitang ito. Isang malaking trahedya at kapuna-puna na parami nang parami ang mga Pilipino na nagiging bulnerable sa mga […]

‘Tortyur’ sa mga rekrut ng Philippine Army, ibinulgar sa bidyo

Inilabas kahapon ng Isnayp Rebolusyonaryong Midya ng Bikol ang isang bidyo na nagpapakita ng umano’y tortyur sa mga nirereklutang sundalo ng 9th Infantry Division ng Philippine Army na naka-base sa Kuta Elias Angeles, Pili, Camarines Sur. Ayon sa grupo, binigay ang video footage ng dismayadong mga sundalo sa National Democratic Front-Bikol para iprotesta ang umano’y […]

Malawakang pagmimina, pinapatigil kay P-Noy sa gitna ng kalamidad

Dapat nang pag-isipan ni Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang posisyon sa malawakang pagmimina sa bansa ayon kay Gabriela Women’s Party Representative Luz Ilagan habang ipinapanawagan ang pagbasura sa Mining Act of 1995. Matatandaang tinutulan ni P-Noy ang pagpapatigil sa operasyon ng malawakang pagmimina. Ayon kay Ilagan, nagiging bulnerable ang bansa sa landslide, polusyon, at hagupit […]