Suporta sa lokal na artista isinusulong sa Kamara
Panukalang batas na sumusuporta sa mga talentong Pinoy, isinusulong ng Bayan Muna sa Kamara
Panukalang batas na sumusuporta sa mga talentong Pinoy, isinusulong ng Bayan Muna sa Kamara
Maraming Overseas Filipino Worker (OFW) ang inaabandona na sa mga kampo sa iba’t ibang bahagi ng Libya, na binabayo ngayon ng matinding protesta. Ayon sa ulat ng Migrante International, mga Pilipino na lamang ang natitira sa ilang workers’ camps sa Libya dahil nauna nang inilikas ang mga manggagawa mula sa ibang bansa ng kani-kanilang gobyerno. […]
Natapos na ang unang round ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyernong Aquino at National Democratic Front of the Philippines. Pinagkasunduan nila, sa wakas, na hindi terorista ang CPP, NPA at NDFP. Nagkaisa rin silang ipagpapatuloy ang implementasyon ng Carhrihl, at ang adyenda ng Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms sa susunod na usapan. Ngunit nagsimula pa lamang ang trabaho para sa kapayapaang nakabatay sa katarungan.
Ikakasa ng Migrante International at Save the Lives of OFWs in Death Row Alliance ang araw-araw na protesta para sa pagsagip sa buhay ng tatlong Pilipinong nakatakdang gawaran ng sentensiyang kamatayan dahil sa umano’y pagiging drug mules sa Tsina. Sa isang candle-lighting ceremony sa Boy Scout Circle sa Quezon City kahapon, nanawagan ang iba’t ibang […]
Panayam sa isang maralitang tagalungsod sa Vitas, Tondo na lumalahok sa maramihang pagbabalat ng bawang para lamang makatulong sa pambili ng pagkain laluna sa panahong lalong tumataas ang mga bilihin at presyo sa mga pampublikong sakayan.
Pagkatapos iulat ng gobyerno na lumaki ng 970,000 ang bilang mga mahihirap sa bansa, higit na kinakailangan ngayon ang mga polisiyang makatutugon sa batayang pangangailangan ng mga mamamayan, giit ng Anakpawis Partylist. Inilabas kamakailan ng National Statistics Office na halos isang milyon ang nadagdag sa “mahihirap” na Pilipino. Umaabot ito sa 23.1 milyon ang bilang […]
Binati ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang mga mamamayan ng Egypt sa pagpapatalsik sa rehimen ni Hosni Mubarak. “Matapos ang 18 araw ng walang tigil na protesta, sa gitna ng represyon, matagumpay na napatalsik ng mga mamamayan ang isa sa pinakamahabang diktadura sa Gitnang Silangan. Ang 30 taong paghahari ni Mubarak, na inayudahan ng US, […]
Naghihintay pa rin ng repatriation ang isang matanda at maysakit na babaing Overseas Filipino Worker (OFW) na mahigit isang dekada nang undocumented sa Saudi Arabia. Samantala, ang isa pa ay namatay kamakailan sa United Arab Emirates dahil tatlong buwang hindi nabigyan ng karampatang medikal na atensiyon. Noong Enero 25, namatay sa isang opsital sa Al […]
Hinikayat ng Migrante-Middle East ang mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia na imbestigahan ang mga ulat ng pambubugbog sa 48 Pilipinong nakapiit sa Malaz Central Jail. Sa isang pahayag, sinabi ni John Leonard Monterona, tagapagsalita ng Migrante-ME, na nakatanggap siya ng tawag at text messages mula sa ilang mga migranteng Pilipino na […]
Sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at gobyernong Aquino, masusubok ang hangganan ng kasalukuyang sistema. Kaya pa ba makamit sa mapayapang paraan ang tunay at makabuluhang pagbabagong panlipunan para sa mayorya? O talagang sa radikal -- at marahas -- na paraan lamang mawawakasan ang pagsasamantala?