Pinoy Weekly Staff

Kabataan, napaslang sa paglabag ng AFP sa tigil-putukan

Nilabag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pinakamahabang deklaradong tigil-putukan sa pagitan ng mga puwersa ng gobyerno at rebeldeng New People’s Army (NPA), ayon sa pahayag ng Lucio de Guzman Command ng NPA sa Mindoro. Sa isang hiwalay na pahayag, kinumpirma naman ng Anakbayan-Timog Katagalugan na napatay sa nasabing opsensiba ng 80th Infantry […]

Video: Liham mula sa dayuhang piitan

Nakauwi sa bansa ang Pinay na ginahasa sa Saudi Arabia. Sa kanyang pag-uwi, bitbit ni Nerissa Neri ang kuwento ng kanyang kalbaryo, at ang isang liham mula sa iba pang Pilipinong nakapiit. Hindi katulad niya, maraming OFW ang mawawalay sa kanilang pamilya ngayong Pasko.

Arogansiya ng tropang Kano, inireklamo ng mamamahayag

Kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang umano’y arogante at ilegal na pakikitungo sa mga mamamahayag ng mga tropang Amerikanong nagbabantay sa himpilan ng Joint Special Operations Task Force Philippines (JSOTFP) sa loob ng kampo ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines sa Zamboanga City. Sa isang pahayag, sinabi […]

Halaga ng sahod, lalong bumaba

Kabilang ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na bumaba ang halaga ng sahod noong 2008 at 2009, na posibleng magdulot ng mas matinding mga tensiyong panlipunan, ayon sa bagong ulat ng International Labor Organization (ILO).

1,000 Pinoy sa HK: ‘Sagipin ang aming trabaho’

Mahigit 1,000 Overseas Filipino Worker (OFW) ang nagmartsa sa Central, Hong Kong noong Disyembre 12 para tutulan ang mandatory insurance na nagresulta sa pagkabinbin ng mga kontrata sa trabaho ng daan-daang Pilipino sa nasabing bansa. “The new mandatory insurance scheme has already resulted to employers backing out from hiring OFWs while other OFWs have been […]