Pinoy Weekly Staff

Dagdag-sahod, laban ng sambayanan

Ipinamamalas ng sobrang babang sahod ng mga manggagawa ang tindi ng pambubusabos sa kanila ng mga kapitalista sa lipunang Pilipino. Kaya naman, ayon sa Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan o KPMM na kailangang magkaisa ang iba't ibang inaaping sektor para ilaban ang dagdag-sahod.

Reporter, minaltrato ng PSG sa bisita ni PNoy sa Baguio

Minaltrato ng mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ni Pang. Benigno Aquino III ang isang reporter sa pagpapasinaya ng pangulo sa outlet ng Jollibee sa Baguio City noong Biyernes na sinalubong ng demonstrasyon ng mga kabataang estudyante. Ayon sa ulat ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Baguio Benguet Chapter, matapos ang […]

Welga ng kabataan para sa kinabukasan

Inilunsad ngayong linggo ang welga ng kabataang estudyante, pati guro, kawani sa pamantasan, at maging mga miyembro ng administrasyon. Ang layunin: Para tutulan ang pagkaltas sa pondo ng pambansang gobyerno na inilalaan para sa pampublikong mga pamantasan at kolehiyo.

Libu-libong estudyante ng PUP, nagwelga vs kaltas sa badyet ng pamantasan

Libu-libong mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa, Manila ang nag-walkout sa kanilang mga klase noong Biyernes, Nob. 19, para ihayag ang pagtutol sa panukalang kaltas sa badyet ng pamantasan at ng state colleges and universities (SCUs) sa pambansang badyet.

Pagdawit sa mga OFW sa terorismo, tinuligsa

Tinuligsa ng Migrante Middle-East, alyansa ng mga migranteng Pilipino sa Gitnang Silangan, ang pagtukoy kamakailan ng US State Department sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) bilang pinagmumulan umano ng pondo ng teroristang grupong Abu Sayyaf. Sa country report ng Estados Unidos hinggil sa terorismo sa bansa noong Agosto 5, sinabi nitong, “The ASG is funded through […]

Migrante ng iba’t ibang lahi pinigilang makalapit sa GFMD

Puerto Vallarta, Mexico–Sa halip na pakinggan ng Ikatlong Global Forum on Migration and Development (GFMD), pinigilang makalapit noong Nobyembre 10 ang mga migrante mula sa iba’t ibang lahi sa taunang pagpupulong ng mga gobyerno para pag-usapan ang migrasyon. May 500 demonstrador na delegado ng Ikatlong International Assembly of Migrants and Refugees (IAMR) ang hinarang ng […]

Masaker sa Hacienda Luisita ginunita ng protesta’t karaban

Wala pa ring hustisya sa mga biktima ng tinaguriang masaker sa Hacienda Luisita noong Nobyembre 16, 2004. Sinariwa ng mga militanteng grupo at mga mamamayan ng asyenda ang pangyayaring ito -- sa panahong iyung dating tagapagsalita ng pamilyang Cojuangco't manedsment ng asyenda ay pangulo na ngayon ng bansa.