Pinoy Weekly Staff

Lider-manggagawa pinalaya matapos mapatunayang walang sala

Matapos ang mahigit tatlong taong pagkabilanggo, inutos ng korte noong Oktubre 13, 2010 na palayain na ang lider-manggagawa at nominee ng Anakpawis Party-list na si Vincent “Bebot” Borja mula sa Tacloban City Jail. Matatandaang noong Mayo 7, 2007, inaresto si Borja ng mga elemento ng 19th Infantry Battalion sa bisa ng warrant of arrest para […]

Video: Walang kabuhayan, sa bundok ng pinagtabuyan

Malayo sa hanapbuhay ang mga maralitang itinaboy mula sa sentrong lungsod na tila nakareserba para sa mga negosyante. Alamin ang totoong kondisyon ng relocatees mula sa Sityo San Roque sa North Triangle, Quezon City.

Obrero umalma sa taas-singil sa Philhealth simula ngayong araw

Sa unang araw ng pagpapatupad ng 200% na pagtaas ng singil sa PhilHealth, sumugod ang mga manggagawa sa opisina ng Philhealth sa Pasig City para kondenahin ang bagong polisiyang ito gobyernong Aquino. Inanunsiyo ng Philhealth na simula Oktubre 12, tataas na ang kontribusyon ng Individually Paying Member (IPM) ng Philhealth, na sumasaklaw sa 40 tipo […]

Dating gawi

Di pa kumukupas ang mga istiker ng dilaw na ribbon na nakapaskil sa mga sasakya’t pader sa Kamaynilaan. Patuloy pang ipinapalabas sa telebisyon ang mga patalastas hinggil sa “pagbabago” sa ilalim ng bagong rehimen. Uso pa rin sa middle class ang mga damit na may dilaw na ribbon at mapa ng Pilipinas.

Isandaang araw, walang pagbabago

Pagsusuri sa iba't ibang aspekto ng unang 100 araw ng panunungkulan ni Pang. Benigno Simeon "Noynoy" Cojuangco Aquino III.

‘Anong pagbabago?’, tanong ng migranteng Pilipino

Naglunsad ng kilos-protesta sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang mga migranteng Pilipino sa ika-100 araw sa puwesto ni Pang. Benigno Aquino III, dahil sa malaking pagkaltas sa badyet para sa Overseas Filipino Workers. (Basahin ang kaugnay na istorya hinggil sa budget cut ng mga OFW) Inihayag ng Migrante International na naglunsad ng koordinadong mga […]

3 lider-magsasaka sa Laguna, dinampot ng militar

Tatlong lider magsasaka ang dinampot ng mga sundalo ng Philippine Army sa probinsya ng Laguna kaninang umaga, ayon sa ulat ng militanteng grupong magsasaka na Katipunan ng Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK). Batay sa mga ulat na nakalap ng KASAMA-TK, dinampot sina Darwin Liwag, pangkalahatang kalihim ng pamprobinsyang grupong magsasaka na Pagkakaisa at Ugnayan […]