Pinoy Weekly Staff

Mga Larawan: Paggunita’t protesta sa ‘pananatili’ sa bansa ng multo ng batas militar

Nagmartsa ang aabot sa 1,000 katao sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan patungong Mendiola Bridge para gunitain ang isa sa pinakamadilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa. Ayon sa Bayan, patuloy pa ring buhay ang mga multo ng batas militar, tulad ng mga paglabag ng estado sa karapatang pantao. Nariyan pa rin ang pundamental na mga problema ng lipunang Pilipino, tulad ng kawalan ng tunay na repormang agraryo at malaalipin na kalagayan ng manggagawang Pilipino.

Bumibisitang pamilya ng OFW, pinagbabayad ng gobyerno

Isang bagong rekisito para sa bumibisitang pamilya ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa United Arab Emirates (UAE) at Macau ang tinawag ng mga grupong migrante na panibagong porma ng “pangongotong” ng gobyernong Aquino sa mga OFW. Kamakailan, inihayag ng embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi, Dubai, at Macau na kailangan munang kumuha ng isang notarized […]

Manggagawang bukid ng Luisita tumanggi sa medyasyon

Pormal na ipinaalam ng mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita sa ilalim ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid ng Asyenda Luisita (Ambala) at United Luisita Workers Union (ULWU) sa mediation panel na nilikha ng Kore Suprema na hindi na sila lalahok sa mga pagdinig nito. Ang panel ay nilikha para umabot sa isang kasunduan ang […]

Pagkamatay ng DH na tumalon sa bintana, pinaiimbestigahan

Pinaiimbestigahan ng Migrante-Middle East sa Department of Foreign Affairs at embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia ang mga ulat hinggil sa pagkamatay ng isang hindi pa nakikilalang domestic helper (DH) nang tumalon sa bintana ng ika-pitong palapag ng building ng employer. Ayon sa ulat ng pahayagang Saudi Gazette noong Setyembre 1, tumalon ang DH sa […]

Mga Larawan: Tuloy ang paghahanap sa mga nawawala

Bago na ang nanunungkulan sa Malakanyang, pero patuloy pa rin ang paghahanap nila. Mga anak, magulang, kapatid, kamag-anak: muli silang nagmartsa -- tulad ng pagmartsa nila noong nakaraang mga taon -- noong Agosto 30, International Day of the Desaparecido, para hilingin sa gobyerno na ilitaw na ang kanilang mga mahal sa buhay. Buhay man o patay. At singilin ang mga salarin.