Pinoy Weekly Staff

Potograpiya at adbokasiya

Mahalaga para sa isang documentary photographer na magkaroon ng isang “point of view” o pananaw sa lipunan na siyang magiging tuntungan ng sining—at adbokasiya.

OFW sa Saudi Arabia, sumulat kay P-Noy

Naglakas-loob na magsulat kay Pang. Benigno Aquino III ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kingdom of Saudi Arabia, na ilegal na tinanggal sa trabaho matapos ang 21 taon na pagseserbisyo at matagal nang hindi inaaksiyunan ang kaso ng embahada at Philippine Overseas Labor Office. “Nagsimula akong huminto sa trabaho mula pa noong 2007 pagkatapos […]

AFP, naglunsad ng malawakang opensiba vs NPA sa Mindanao

Gamit ang 105mm Howitzer cannons at mga eroplanong paniktik at pambomba, naglunsad ang apat na dibisyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng isang malawakang opensibang militar laban sa mga New People’s Army (NPA) sa limang rehiyon sa Mindanao kung saan may presensiya ang mga rebelde. Sa isang pahayag noong Agosto 13, sinabi ni […]

Talakayan hinggil sa Hacienda Luisita

Panoorin ang replay ng live webcast ng talakayan hinggil sa kasalukuyang sitwasyon sa Hacienda Luisita, na naganap noong 1:30 ng hapon, Agosto 11. Panauhin sina Lito Bais, tagapangulo ng United Luisita Workers Union o ULWU, Felix Nacpil ng Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita o Ambala, Federico Laza ng Ambala, at Atty. Jobert Pahilga, abogado ng mga magsasaka sa asyenda.

Bahay ng 384 pamilya, dinemolis sa San Pedro, Laguna

Kinondena ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa Southern Tagalog ang pagdemolis ng kapulisan sa tatlong barangay at tahanan ng 384 pamilyang maralita sa San Pedro, Laguna. Ayon kay Andrianne Mark Ng, tagapagsalita ng Bayan-ST, hindi dapat ipinapatupad ang demolisyon sa mga komunidad ng mga maralita, laluna’t layunin nito ang pagbibigay-daan sa Southrail Project ng Philippine […]

Pagtutol sa taas-pasahe sa MRT, LRT, lumalakas

Patuloy na lumalakas ang pagtutol ng iba’t ibang sektor sa pagtaas ng pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT). Kaninang umaga, nagpiket sa estasyon ng MRT sa North Avenue ang mga manggagawa ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at nagpapirma sa mga biyahero ng isang petisyon laban sa posibleng taas-pasahe. Ayon kay […]

Dahil sa imported na bigas: Tag-hirap sa anihan, inaasahan

May 3.5 hanggang apat na milyong magasasaka ang maaapektuhan dahil sa sobrang bigas na inangkat ng National Food Authority (NFA), ayon kay Anakpawis Rep. Rafael Mariano. Sa isang pahayag, sinabi ni Mariano na nakakabahala ang inaasahang pagpasok sa bansa ng imported na bigas sa Agosto 15. Kamakailan, ibinulgar ng Kal. Lito Banayo ng NFA na […]