Video: Silang unang kumilos sa ilalim ng administrasyong Aquino
Sapagkat alam nilang ipinaglalaban ang mga bagay na pinakamahalaga, tumungong Mendiola ang mga magsasaka para siguruhing makakarating sa bagong pangulo ang kanilang adyenda.
Sapagkat alam nilang ipinaglalaban ang mga bagay na pinakamahalaga, tumungong Mendiola ang mga magsasaka para siguruhing makakarating sa bagong pangulo ang kanilang adyenda.
Kagyat na dapat magsalita si Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III hinggil sa inihain ni dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na panukalang batas para sa pagbabago ng 1987 Konstitusyon. Sa isang pahayag, sinabi ni Roger Soluta, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Mayo Uno (KMU), na “walang hiya” si Arroyo sa pagtutulak sa Cha-Cha na […]
Hindi tanggap ng kabataan ang edukasyong bokasyunal bilang alternatibo sa pagkokolehiyo o tertiary education na suportado ng gobyerno, ayon sa mga kabataan na nagmartsa ngayong araw patungong Mendiola. Sa isang pagkilos, ipinaabot nila kay Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III na dapat maging prayoridad nito ang reporma sa edukasyon sa unang 100 araw ng panunungkulan. Sa […]
Nagkaisa ang aabot sa isandaang kababaihang Pinay sa Japan para itatag ang tsapter ng Gabriela sa naturang bansa. Sa kongreso ng pagkakatatag nito noong Hunyo 27, inanunsiyo ng mga kababaihang Pilipina mula sa iba’t ibang organisasyon at lugar sa Japan ang pagtatag sa Gabriela-Japan. Ginanap ang kongreso sa Nagoya Women’s Center sa Nagoya, Japan. “Natutuwa […]
Dalawang pagdiriwang ang pinuntahan ng Pinoy Weekly noong Hunyo 30, 2010. Ang una, ang pagdiriwang para sa inagurasyon ni Pang. Benigno Simeon "Noynoy" C. Aquino III at Bise-Pres. Jejomar Binay Jr. Ang pangalawa, pagdiriwang ng pag-alis sa wakas sa puwesto ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo, at pagkilos para ipanawagang tupdin ng bagong gobyerno ang matagal nang hiling ng mga magsasaka.
Dahil sa komposisyon ng mga itinalaga ng bagong Pangulong Noynoy Aquino sa gabinete, marami ang nangangambang “walang pagbabagong” maaasahan sa mga polisiya ni Aquino.
Mahigit 10,000 migranteng Pilipino sa Hong Kong ang pumirma ng isang petisyon para igiit sa bagong administrasyong Aquino na babaan ang singil sa e-passport na umano’y overpriced. Isinumite ngayon ng mga grupong United Filipinos in Hong Kong (Unifil-HK) at Gabriela- Hong Kong sa Philippine Consulate General ang petisyon, isang araw bago manumpa si Benigno “Noynoy” […]
Hindi karapat-dapat na manatili bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Alberto Romulo na napatunayan ng kanyang track record na “inuuna ang interes ng Estados Unidos kaysa interes ng bansa,” ayon sa isang eksperto sa foreign policy. Binatikos ng Junk VFA Movement ang desisyon ni President-elect Benigno “Noynoy” Aquino III na panatilihin sa […]
Hindi naging biro para sa masang Pilipino ang pinagdaanang kahirapan at panunupil sa loob ng siyam na taon ng isang pangulong sagad at lantaran ang korupsiyon, pandaraya, pasismo, at kasama ng mga kontra-mamamayang mga polisiya ay naglugmok ng bansa sa pinakamatitinding krisis pang-ekonomiya at pampulitika.
Tinanggal sa trabaho noong nakaraang Miyerkules ang 22 unyonista ng higanteng TV network na ABS-CBN sa isang umano’y “walang pusong” tangka na durugin ang unyon at hadlangan ang matagal nang hiling ng mga manggagawa na maregularisa sa trabaho. Sa isang pahayag sa midya, sinabi ni Antonio Perez, tagapangulo ng ABS-CBN Internal Job Market Union, na hindi […]