Hamon ng bayan kay Noynoy
Nananawagan ang iba’t ibang sektor ng bayan: Kagyat na tugunan ang mga problemang matagal na nilang pinagdurusahan.
Nananawagan ang iba’t ibang sektor ng bayan: Kagyat na tugunan ang mga problemang matagal na nilang pinagdurusahan.
Sa kauna-unahang pagkakataon, inamin ni Gloria Macapagal Arroyo ang kanyang mga kasalanan sa taumbayan, at tunay na humingi ng tawad. (Spoof na panayam ni Joe Clang sa isa sa pinakamumuhiang pangulo sa kasaysayan ng bansa)
Pormal na sinampahan ng reklamo ng isang Pinay caregiver ang isang opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Riyadh, Saudi Arabia matapos siyang payuhan na tumalon na lamang mula sa ikatlong palapag ng gusali, sa halip na isaklolo mula sa pang-aabuso ng employer. Sinamahan ng mga manggagawa ng Annasban Group of Companies ang kanilang […]
Nagpiket ngayong umaga sa bahay ni president-elect Benigno “Noynoy” Aquino III sa Times St., Quezon City ang militanteng mga tsuper sa ilalim ng Piston (Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide) at hinamon si Aquino na tuparin ang pangakong uusigin si Pangulong Arroyo. Isang liham ang kanilang isinumite sa uupong pangulo. Naglalaman ito […]
Tukoy umano ng isang grupo ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang mga opisyal ng gobyerno sa iba’t ibang bansa na sangkot sa human trafficking, at hinamon si president-elect Benigno “Noynoy” Aquino III na parusahan ang mga ito. Kamakailan, inilabas ng US State Department ang ulat hinggil sa human trafficking kung saan nasa “watchlist” o […]
Ikinabahala ng iba’t ibang grupo ang pagpaslang sa mga mamamahayag at aktibista, ilang linggo bago pormal na bumaba sa puwesto si Pangulong Arroyo at mailuklok sa poder si president-elect Benigno “Noynoy” Aquino III. Noong Hunyo 14, isang miyembro ng Bayan Muna, si Benjamin Bayles, ang binaril at pinatay sa Barangay Suay, Himamaylan City sa Negros […]
"Dream cabinet" ng istap ng Pinoy Weekly ang nasa talaang ito na inirerekomenda sa papasok na pangulong Noynoy Aquino. Marangal, may karanasan at kaalaman, at progresibo ang rekomendadong mga personaheng ito. Pero tila pangarap na lamang na magiging progresibo ang gabinete ng bagong pangulo.
Hiniling ng Pinoy Weekly ang mga pananaw at pagsusuri ni Prop. Jose Maria Sison, nangungunang progresibong lider at chief political consultant ng National Democratic Front of the Philippines o NDFP, hinggil sa pag-upo sa poder ng bagong pangulong si Benigno "Noynoy" Aquino III.
Isang lider-unyon ang pinatay at isang komunidad ng mga magsasaka ang dinemolish sa Timog Katagalugan simula kahapon, mga magkakasunod na insidenteng kinondena ng Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog (Bayan-ST) bilang “matinding atake” laban sa mga progresibo matapos ang eleksiyon. Bandang ala-sais ng gabi noong Hunyo 2, binaril at pinatay si Edward Panganiban ng hindi pa nakikilalang kalalakihan […]