Pinoy Weekly Staff

Manggagawa sa pinakamalaking plantasyon ng palm oil, nagwelga

Iniulat ng National Federation of Labor Unions (Naflu) na nagwelga ang mga manggagawa ng Filipinas Palm Oil Plantation, Inc., (FPPI) ang pinakamalaking plantasyon ng palm oil sa bansa, dahil sa pambabarat umano ng manedsment sa dagdag-sahod na hinihingi ng mga manggagawa. “Minamarkahan ang unang 100 araw ni Noynoy Aquino ng pagputok ng mga labor dispute. […]

Kinaltasan ng pondo, OFW magpoprotesta sa ika-100 araw ni P-Noy

Ikakasa ng mga grupo ng Overseas Filipino Workers (OFW) sa ilalim ng Migrante International ang koordinadong mga kilos-protesta sa Oktubre 8, ika-100 araw sa puwesto ni Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III. Ipoprotesta nila ang umano’y hindi pagpaprayoritisa ng gobyerno sa mga OFW at maling alokasyon ng pondo para sa kanila. Kamakailan, binatikos ng Migrante ang […]

Libu-libong Europeo, nagprotesta sa pagtitipid ng gobyerno

Umabot sa 100,000 mamamayan mula sa iba’t ibang unyon sa buong Europa ang nagprotesta noong Setyembre 29 sa Brussels, Belgium laban sa matinding pagtitipid na ginagawa ng kanilang mga gobyerno sa nakaraang mga buwan. Nagprotesta sila para sabihin sa European Union (EU) na hindi nila babayaran ang bailout ng nabangkaroteng mga bangko. Nangangahulugan ang bailout […]

Bantang AJ sa welga sa PAL, binanatan

Sa pagbanta ni Sek. Rosalinda Baldoz ng Department of Labor and Employment (DoLE) na patawan ng Assumption of Jurisdiction (AJ) ang nakaambang welga sa Philippine Airlines (PAL), ipinapakita ng gobyernong Aquino na pumapanig ito kay Lucio Tan sa halip na sa interes ng bayan. Ito ang pahayag ng Kilusang Mayo Uno (KMU), na sumusuporta sa […]

Ilegal na pagbebenta ng visa, lumalala

Araw-araw, may tatlo hanggang limang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Gitnang Silangan ang nabibiktima ng ilegal na pagbebenta ng visa, ayon sa grupong Migrante-Middle East. Batay sa rekord ng mga kasong naitala ng grupo mula Hulyo hanggang Setyembre ngayong taon, lumalabas na lumalala ang matagal nang problema ng “visa trading.” Nagaganap ang visa trading kapag […]

Noynoy, hinayaan ang demolisyon dahil sa utang na loob sa Ayala?

May utang na loob si Pang. Benigno “Noynoy” Aquino sa pamilya Ayala, may-ari ng korporasyong debeloper ng proyektong Quezon City Central Business District (QC-CBD), kaya’t hinayaan nito ang marahas na tangkang pagpapalayas ng libu-libong maralita sa Sityo San Roque kaninang umaga. Ito ang inihayag ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), na namuno sa barikadang napuwersa […]

Depensa ng maralita sa North Triangle

Ito ang "pag-aalsang EDSA" ng mga maralita ng North Triangle: Sa militanteng pagkakaisa at pagbabarikada, napatigil nila nang mahigit tatlong oras ang trapiko sa EDSA, gayundin ang pagpapademolis -- bagamat pansamantala -- sa kanilang mga tahanan.

Video: Bisperas ng demolisyon

Kung bakit ipinagtatanggol ng mga maralita sa North Triangle ang kanilang karapatan sa paninirahan, laban sa pagtatayo ng umano'y maka-dayuhan at kontra-mamamayang Quezon City Central Business District.