Pinoy Weekly Staff

Pacquiao, tinawag na ‘kampeon ng OFW’

Hangad ng Migrante International, ang pinakamalaking alyansa ng mga overseas Filipino worker (OFW), ang tagumpay ni Manny “Pacman” Pacquiao sa kanyang nalalapit na laban sa Mexicano-Amerikano na boksingerong si Antonio Margarito. “Para sa mga OFW, si Pacquiao ay hindi lamang ‘People’s Champ’ kundi kampeon ng karapatan at kagalingan ng mga OFW,” sabi ni Gina Esguerra, […]

DoLE, di pa rin kinakausap ang binastos na OFW sa HK

Hong Kong–Dalawang linggo matapos ang umano’y pambabastos ng Labor Attache na si Romulo Salud sa Overseas Filipino Worker na si Agnes Tenorio, nagsagawa ngayong araw ng malaking kilos-protesta ang mga Pilipino sa harap ng konsulado para igiit ang pagpapatalsik kay Salud. “Each day that Romulo Salud remains in his position is an insult to Agnes […]

Magsasaka, biktima ng EJK sa Batangas

Isang magsasaka ang binaril at pinatay kaninang alas-otso ng umaga sa Brgy. Caybunga, Balayan, Batangas, ang unang kaso ng ekstrahudisyal na pamamaslang sa probinsya sa ilalim ng administrasyong Aquino, ayon sa ulat ng Bagong Alyansang Makabayan Southern Tagalog (Bayan-ST). Natagpuang may tatlong tama ng bala sa ulo at dibdib si Rene Rodriguez, miyembro ng Samahan […]

Walang kamatayang undas

Hindi pagluluksa kundi mistulang pagdiriwang ang Undas para sa maraming Pinoy. Pinagkakagastusan, pinagkakaabalahan, pinagkakapaguran. Pero, sa mga sementeryo, nahahati pa rin ang mga tao sa iilang mayayaman karamihang mahihirap.

Video: GARB Kids sa Lakbayan

Sila ang mga anak ng mga magsasaka at manggagawang bukid mula sa Hacienda Luisita. Sa pamamagitan ng kanta, isinusulong nila ang tunay na reporma sa lupa.

Magsasakang Pilipino, may dahilang mag-alsa

Nagtagpo sa Kamaynilaan ang mahigit 3,000 magsasaka na naglakbay mula sa iba't ibang rehiyon para muling hilingin sa bagong rehimen ang luma nang hiling: Tunay na reporma sa lupa, hindi mapanlinlang na ekstensiyon ng CARP. Hustisya sa mga inapi't inabuso, hindi pagpapanggap at pagpapabango ng bangong pangulo.

Biktima ng human trafficking, pauwiin –Bring Them Home Alliance

Inilunsad ngayong araw ang Bring Them Home Alliance, na ipinanawagan sa gobyernong Aquino ang pagpapauwi ng mga migranteng Pilipino na biktima ng human trafficking bago mag-Pasko, lalo ang mahigit 100 na stranded at naghihintay ng repatriation sa Jordan. May 50 indibidwal at organisasyong kasapi ng alyansa ang naaalarma sa dumaraming kaso ng pangangalakal sa mga Pilipino. […]

Abogado sa UK sumulat kay Aquino kaugnay ng “Morong 43”

Sumulat kay Pangulong Benigno Aquino ang pinuno ng Haldane Society of Socialist Lawyers para aksiyunan ang kaso ng mga inarestong manggagawang pangkalusugan na mas kilala bilang “Morong 43”. Sa sulat na ipinadala ni Liz Davies, tagapangulo ng naturang grupo, na may petsang Oktubre 17, 2010, sinabi nitong sinusubaybayan nila ang kaso mula pa nang maaresto […]

Magsasaka ng Negros, nagprotesta sa Maynila

Dumating na sa Maynila noong Oktubre 17 ang mga magsasaka mula sa Negros para magsagawa ng dalawang linggong protesta para ilantad ang umano’y piyudal na paghahari ng isang Cojuangco sa Visayas. Ayon sa National Federation of Sugar Workers at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas-Negros, sinasamantala ni Danding Cojuangco, kroni ni dating Pangulong Marcos at kamag-anak ni […]